Ordinansang nagtataguyod sa Season of Creation sa Kalinga, pinuri ng Apostolic Vicariate of Tabuk

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,206 total reads

Ikinagalak ng Social Action Center (SAC) ng Apostolic Vicariate of Tabuk ang pagpasa ng Provincial Ordinance No. 2026-027 na nagtatakda ng pagtatatag bilang opisyal na programa ng Season of Creation sa lalawigan.

Layunin ng ordinansa na “Institutionalizing of the Season of Creation in the Province of Kalinga, Promoting Ecological Awareness, and Strengthening the Protection of Endangered Species and their Habitats,” na palalimin ang kamalayan ng mamamayan sa pangangalaga ng kalikasan at sa mga nanganganib na uri ng hayop at kanilang tahanan.

Ang Season of Creation, na ginugunita mula September 1 hanggang October 4, ay itinuturing na panahon ng panalangin, pagninilay, at sama-samang pagkilos para sa kalikasan, bilang tugon sa lumalalang krisis sa klima at patuloy na pagkasira ng biodiversity.

“By adopting this ordinance, Kalinga aligns itself with a global movement that recognizes the urgent need for sustainable practices and environmental stewardship,” pahayag ng SAC Tabuk.

Nakatuwang ng SAC Tabuk sa pagsusulong ng ordinansa ang Kalinga-Apayao Religious Sector Association, Kalinga Provincial Peoples Council, Department of Environment and Natural Resources (DENR), at iba pang environmental advocates sa lalawigan.

Ayon sa mga tagapagtaguyod, ang ordinansa ay umaayon sa mga pangunahing pagpapahalaga ng Kalinga na Paniyaw, Ngilin, at Bain, na nagsusulong ng sama-samang pagkilos, paggalang sa buhay at kalikasan, at malasakit sa kapaligiran.

“Paniyaw… reflects the collective efforts of various organizations and individuals working together for a common goal—environmental protection. Ngilin… emphasizes respect for life and nature… while Bain… reinforces our responsibility to protect the habitats and species that share our home,” pagbabahagi ng SAC Tabuk.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang simbahan at mga organisasyon kay Kalinga Governor James Edduba sa kanyang mahalagang papel sa pag-apruba ng ordinansa, gayundin sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Dave Odiem, at lalo na kay Board Member Camilo Lammawin Jr., ang siyang may-akda ng panukala.

Binigayang-diin ng SAC Tabuk na ang pagpapatupad ng Season of Creation sa Kalinga ay inaasahang magpapalakas sa mga programang pangkalikasan at magtitiyak ng mas napapanatiling kinabukasan para sa lalawigan.

“The implementation of the Season of Creation in Kalinga will significantly benefit the province… and ensure a sustainable future for generations to come,” giit ng SAC Tabuk.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 130,846 total reads

 130,846 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 164,175 total reads

 164,175 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 196,319 total reads

 196,319 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 262,382 total reads

 262,382 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 273,176 total reads

 273,176 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 123,022 total reads

 123,022 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top