Program Paghilom nagpapasalamat sa Senado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,737 total reads

Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Program Paghilom sa ilalim ng Arnold Janssen Kalinga Foundation sa suporta ng Senado sa pagbubukas ng “Lakbay Museo ng Paghilom,” tampok ang mga kuwento ng mga biktima ng extra-judicial killings (EJK).

Ipinahayag ng Program Paghilom na pinangangasiwaan ni Missionary Priest at Ramon Magsaysay Awardee 2025, Rev. Fr. Flavie Villanue, SVD na siyang founder at president ng AJ Kalinga, ang taos-pusong pasasalamat kay Senador Risa Hontiveros sa pagho-host ng museo at sa pagbibigay-tinig sa mga kwento ng mga biktima sa isang makasaysayang pagkakataon.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang Program Paghilom kay Senador Bam Aquino at sa kanyang mga kawani, gayundin sa mga kawani ni Senador Hontiveros, para sa patuloy na suporta at pakikiisa sa pagbubukas ng Lakbay Museo ng Paghilom – Mobile Museum.

“We extend our heartfelt thanks to Senator Risa Hontiveros for hosting the “Lakbay Museo ng Paghilom” and giving voice to the stories of EJK victims in this historic space. We could never have imagined that a mobile museum honoring their lives—brutally taken—would stand here. We also thank Senator Bam Aquino and his staff, along with Senator Hontiveros’s staff, for their continuous support and for joining us at the opening of the Mobile Museum.” Bahagi ng pahayag ng Program Paghilom.

Umaasa rin ang pamunuan ng Program Paghilom na magsilbi ang Lakbay Museo ng Paghilom bilang tanda ng pag-asa at paggaling para sa bansa na isang paalala na ang katotohanan, alaala, at malasakit ay mahalagang hakbang tungo sa tunay na kapayapaan.

Giit ng Program Paghilom, hindi dapat ituring na numero o estatistika lamang ang bawat buhay na biktima ng karahasan na magpahanggang sa ngayon ay patuloy na naghahanap ng katarungan.

“We choose not to remain silent: we remember those who have been killed and combat the lies fabricated against their memory. But we stand firm in telling the truth. Remembering their names declares: They are not statistics, but human beings whose stories demand justice. May this mobile museum be a sign of hope and healing for our country.” Dagdag pa ng Program Paghilom.

Ang “Lakbay Museo ng Paghilom,” ay isang mobile museum na naglalayong alalahanin ang kanilang mga buhay at igiit ang katotohanan sa gitna ng pananahimik at pagbaluktot ng alaala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 125,302 total reads

 125,302 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 158,631 total reads

 158,631 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 190,775 total reads

 190,775 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 256,838 total reads

 256,838 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 268,010 total reads

 268,010 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top