Mananampalataya, inaanyayahang makiisa sa ika-50 anibersaryo ng National Shrine of the Sacred Heart

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,719 total views

Inaanyayahan ng pamunuan ng National Shrine of the Sacred Heart, Makati ang mga mananampalataya na makibahagi sa ika-50 anibersaryo ng pagiging pambansang dambana ng Simbahan.

Ayon kay Rev. Fr. Roy Bellen -kura paroko ng National Shrine of the Sacred Heart, Makati, naakma ang pagdiriwang ng dambana sa ika-14 ng Pebrero, 2026 na Araw ng mga Puso sapagkat sinasalamin nito ang Kamahal-mahalang Puso ng Panginoon na tuwinang nagmamahal sa bawat isa.

Paliwanag ng Pari, hindi dapat na malumbay ang sinuman sapagkat ang Panginoon ay laging kasama at minamahal ang bawat isa.

“Nagsimula na po kami ng aming paghahanda po ng pagdiriwang, since ilang araw na rin po itong pinaghahandaan. Baka you’re going to wonder February 14… Tamang-tama yung puso po ni Hesus talaga, yung mga wala pong, feeling niyo ay malungkot ang puso ninyo; wala po kayong ka-date; hindi po totoo ‘yan, meron po kayong ka-date palagi yung Kamahal-mahalang Puso ng ating Panginoon. Siya po ang inyong palagi pong nagmamahal sa inyo at ka-date po nating lahat ‘yan. So February 14, 2026 ito po yung ating gagawin pong kapistahan dito po sa National Shine (of the Sacred Heart, Makati).” Bahagi ng pahayag ni Fr. Bellen.

Hinihikayat din ng Pari ang lahat na muling magbalik-loob, magsisi sa mga kasalanan, at humingi ng kapatawaran upang maipahayag ang dedikasyon at pagtugon sa nag-uumapaw na pag-ibig ng Diyos para sa bawat isa.

“Kahit na masakit at nasaktan ang Panginoon [na] magmahal po sa atin, hindi po Siya sumusuko at hindi po [Siya] napapagod. Yun po yung one of the messages ng atin pong Sacred Heart. Kaya nga po ang tugon sa atin na hinihingi sana, yung yung reparation. Humingi tayo ng tawad. Tayo po ay maghangad din po ng atin, dedikasyon po sa Kanya, tumugon sa Kanyang nag-uumapaw at pag-ibig na hindi po napapagod, kahit po hindi po tinutugunan ng mga tao, kahit po nasaktan ng mga tao.” Dagdag pa ni Fr. Bellen.

Bago ang selebrasyon, sinimulan na ng dambana ang pagsasagawa ng Triduum Mass o ang tatlong araw na pagdiriwang ng Banal na misa mula ika-11 hanggang ika-13 ng Pebrero, 2026 tuwing ganap na alas-12:15 ng tanghali.

Pinangunahan ni Jaro Archbishop Midyphil Billones ang pagdiriwang ng banal na misa para sa unang araw; nakatakda namang pangunahan ni Iba Bishop Bartolome Santos ang ikalawang araw ng Triduum Mass; at si Archbishop Ryan Jimenez naman mula sa Agaña, Guam ang mangangasiwa sa ikatlong araw na banal na misa.

Samantala, pamumunuan naman ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang banal na misa para sa mismong araw ng ginintuang anibersaryo ng dambana sa Pebrero 14, 2026.

Matatandaang January 11, 1976, itinaas bilang parokya ang kapilya ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus sa Makati kung saan makalipas ng isang buwan, February 14, 1976 ay opisyal itong itinatag ni noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin bilang pambansang dambana.

 

Written with Veritas Intern Bryan Acosta

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 153,632 total views

 153,632 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 183,855 total views

 183,855 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 210,501 total views

 210,501 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 305,474 total views

 305,474 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 316,468 total views

 316,468 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top