Huwag malungkot kung walang katipan sa valentines day-Bishop Maralit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 58,992 total reads

Pinaalalahanan ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang bawat isa na hindi dapat na malungkot o ma-pressure ang sinuman lalo na ang mga kabataan kung wala mang nobyo o nobya sa pagsapit ng Valentine’s Day.

Ito ang bahagi ng mensahe ni San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth kaugnay sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso sa ika-14 ng Pebrero.

Ayon sa Obispo mas nararapat na bigyang halaga ng bawat isa ang pag-ibig ng Diyos at ng Mahal na Birheng Maria gayundin ang mga taong malapit sa kanilang buhay tulad ng pamilya.

Paliwanag ni Bishop Maralit, dapat na tuwinang panghawakan ng bawat isa ang tunay na wagas at pambihirang pag-ibig ng Diyos at Mahal na Birheng Maria para sa bawat isa, gayundin ang pagmamahal ng kanilang pamilya at mga kaibigan.

“Kung sa sinasabing Araw ng mga Puso ay wala ka pang katipan, okay lang yan! Huwag kayong malungkot o kaya e magpa-pressure sa sinasabi at kantyaw ng iba… Panghawakan ninyo sana lagi ang pag-ibig una ng Diyos sa inyo, ni Mama Mary at ang pag-ibig ng mga taong mahal ninyo at mahal kayo (mga magulang, mga kabigan, etc.).”  Bahagi ng pahayag ni Bishop Maralit sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, muling ipinaalala ng Obispo ang habilin ni Hesus sa Kanyang mga alagad na pagmamahal sa isa’t isa tulad ng pagmamahal ng Diyos sa bawat isa bilang pundasyon ng tunay na pagmamahal.

Ayon kay Bishop Maralit, maraming uri ng pag-ibig ang makikita at mapapanood na pawang mga kuwentong nakakakilig at kaakit-akit sa paningin, ngunit kung tunay na pag-ibig ang hinahanap, nararapat lamang na ang pag-ibig ng Diyos ang gawing sukatan at sandigan ng pagmamahal na ibinibigay at tinatanggap ng bawat isa.

“Love one another as i have loved you…” Jn 13: 34 – Yan ang iniwang bilin ni Lord sa atin patungkol sa pag-ibig at sa tunay na sukat ng pag-ibig. Marami tayong mapapanood na mga pag-ibig na nakakakilig, parang ang sarap maranasan at minsan ay magandang tingnan. Ngunit kung ang gusto natin ay tunay na pag-ibig, ang ating pagsumikapan sana ay ang ating gawing sukatan at sandigan ng pag-ibig sa atin at ng pag-ibig natin ay ang Pag-ibig ng Diyos…” Dagdag pa ni Bishop Maralit.

Paliwanag pa ng Obispo, walang dapat ikalungkot o ipag-alala kung wala pang romantikong relasyon sapagkat mas dapat na pagtuunan ng pansin ang pag-ibig at pag-aaruga na ibinibigay at ipinadadama ng mga taong tapat na nagmamahal sa kanilang buhay sa pangunguna ng kanilang mga pamilya, gayundin ang mga kaibigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 13,861 total reads

 13,861 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 52,047 total reads

 52,047 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 70,257 total reads

 70,257 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 154,585 total reads

 154,585 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 191,282 total reads

 191,282 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 36,831 total reads

 36,831 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top