EDSA @40, isang espiritwal at moral na paggising sa mga Pilipino-Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,965 total reads

Naniniwala si Cebu Archbishop Alberto Uy na ang nakatakdang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Pebrero 25, 2026 ay hindi lamang isang kaganapang pampulitika, kundi isang moral at espirituwal na paggising sa sambayanan.

Ayon sa Arsobispo, ang naganap na EDSA People Power Revolution ay isang makasaysayang sandali kung saan pinili ng bansa at ng mga mamamayang nahahati at sugatan ang landas ng kapayapaan, katapangan, at pananampalataya.

Paliwanag ni Archbishop Uy, ipinakita rin sa mundo ng tagumpay ng tinaguriang ‘bloodless revolution’ na ang tunay na kapangyarihan ay wala sa mga armas o kayamanan, kundi nasa katotohanan, pagkakaisa, at tiwala sa Diyos.

“On February 25, 2026, we will commemorate the 40th Anniversary of the EDSA People Power Revolution—a historic moment when a divided and wounded nation chose the path of peace, courage, and faith. EDSA was not only a political event; it was a moral and spiritual awakening. It reminded the world that real power lies not in weapons or wealth, but in truth, unity, and trust in God.” Bahagi ng mensahe ni Archbishop Uy.

Pagbabahagi ng Arsobispo ang paggunita sa ika-4 na dekada ng makasaysayang bahagi ng tinatamasang demokrasya ng bansa ay hindi lamang isang pagbabalik-tanaw, kundi isang hamon upang patuloy na ipanalangin ang paghilom at pag-unlad ng bayan.

Binigyang diin naman ni Archbishop Uy na ang ganap na paghilom ng lipunan ay nangangailangan ng patuloy na katapatan, paninindigan sa katotohanan at pananagutan.

“As we mark this milestone, we do not gather merely to remember the past. We gather to pray for national healing and to renew the values that gave birth to EDSA. Healing, however, does not come from nostalgia or slogans. It requires honesty, responsibility, and difficult but necessary moral choices.” Dagdag pa ni Archbishop Uy.

Samantala, iginiit din ng Arsobispo ang tatlong mahahalagang hakbang para sa tunay na pagkamit ng pambansang paghilom.
Unang tinukoy ni Archbishop Uy ang pagkakaroon ng ganap na katarungan sa lipunan na nangangahulugan ng pagtataguyod ng batas at pagtiyak ng pananagutan, anuman ang katayuan o kapangyarihan ng isang indibidwal sa lipunan.

Pangalawang ipinunto ng Arsobispo ang pagbabalik ng mga ninakaw na yaman ng bayan na kumakatawan din sa nawalang pagkakataon at mga serbisyong para sana sa kapakanan ng taumbayan.

Ayon kay Archbishop Uy, “Return of stolen wealth. What was taken from the people represents lost opportunities—schools not built, hospitals not equipped, livelihoods not protected. Returning what was stolen is not revenge; it is restoration. It is a concrete act of repairing the harm done to the nation.”

Igiiniit naman ng Arsobispo na ang pag-amin ng pananagutan sa pagkakasala na magbubunga ng pagkatuto at tunay na pagreporma o pagbabago ang ikatlong mahalagang hakbang para sa ganap na paghilom ng bayan.

Paliwanag ni Archbishop Uy, ang taus-pusong pag-amin sa pagkakamali ay isang moral na katapangan na isang malinaw na pagpapakumbaba.

“The admission of guilt by those responsible. There can be no true reconciliation without truth. A sincere acknowledgment of wrongdoing is an act of moral courage. It is the beginning of repentance, learning, and genuine reform. Forgiveness becomes possible only when truth is spoken humbly and clearly.” Ayon pa kay Archbishop Uy.

Samantala, muling namang pinaalalahanan ni Archbishop Uy ang sambayanan na ang diwa ng EDSA na mapayapang pagbabago sa pamamagitan ng pananampalataya at pagkakaisa ay nananatiling panawagan hanggang sa kasalukuyang panahon.

Hinamon din ng Arsobispo ang bawat Pilipino na hayaang mamunga ang diwa ng EDSA hindi lamang sa paggunita o pagbabalik tanaw, kundi sa kongkretong moral na paninindigan para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.

Paalala ni Archbishop Uy, “EDSA taught us that peaceful change is possible when a people walk together in truth and faith. Forty years later, the call remains the same. If we truly desire national healing, we must choose justice over denial, truth over silence, and responsibility over convenience. Only then can the spirit of EDSA bear lasting fruit in our time and for generations to come.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 14,702 total reads

 14,702 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 52,821 total reads

 52,821 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 71,031 total reads

 71,031 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 155,359 total reads

 155,359 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 192,031 total reads

 192,031 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 36,898 total reads

 36,898 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top