Patuloy na ibahagi ang tunay na diwa ng EDSA people power revolution–CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,803 total reads

Pinaalalahanan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang sambayanang Pilipino na balikan ang diwa ng EDSA People Power Revolution bilang isang biyaya ng Diyos, kasabay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo nito ngayong taon.

Sa pastoral letter ni CBCP President, Lipa Archbishop Gilbert Garcera na pinamagatang “Remember the Wonders the Lord has done” (Psalm 105:5), ay nanawagan ang kalipunan ng mga obispo sa mamamayang Pilipino na harapin ang kasalukuyang hamon ng bansa sa diwa ng pananampalataya, katotohanan, at kolektibong pananagutan.

Ayon sa CBCP, apatnapung taon matapos mapatalsik ang diktadurya noong 1986, nananatiling mahalaga ang paggunita sa mga kababalaghang ginawa ng Diyos sa kasaysayan ng bayan.

“Forty years after we toppled a dictatorship that sought to prolong itself through electoral fraud, we hear the psalm today reminding us of the wonders that the Lord has done as we too face today’s challenges.” Bahagi ng pastoral ni Archbishop Garcera.

Binalikan din ni Archbishop Garcera ang makasaysayang apat na araw noong Pebrero 22–25, 1986 kung kailan nagtipon ang milyun-milyong Pilipino sa kahabaan ng EDSA upang ipaglaban ang katotohanan at katarungan sa mapayapang paraan.

Inilarawan ng CBCP ang EDSA na nagmistulang isang malawak na Simbahan kung saan payapang natipon ang lahat ng may buong pananampalataya at pagnanais na maisulong ang kalayaan at demokrasya ng bansa, habang tangan ang rosaryo at awit ng pananampalataya na humarap sa mga tangke at sundalo sa lansangan

“In 1986, after enduring years of suffering, we shouted in unison: “Tama na! Sobra na! Palitan na! From February 22 to 25, 1986, we saw how Filipinos bravely yet peacefully took their disgust and frustrations to streets. The long stretch of EDSA became a vast open-air cathedral of faith and peaceful defiance. Millions of Filipinos, Mary and her Son, Jesus. gathered under the protective mantle of the Blessed Virgin from across the country, Clutching and praying the rosary, offering masses, singing hymns -We, as a people, stood shoulder-to-shoulder, faced tanks and soldiers with nothing but unyielding faith in our hearts.” Dagdag pa ni Archbishop Garcera.

Para sa CBCP, ang EDSA ay hindi lamang tagumpay ng tao kundi patunay ng pagkilos ng Diyos sa Kanyang bayan sa gitna ng pinakamadilim na yugto ng kasaysayan.

Kaugnay nito kasabay ng paggunita sa ika-40 taon ng EDSA People Power Revolution ay hinimok ni Archbishop Garcera ang mamamayan na isabuhay ang tatlong tungkulin upang maipagpatuloy ang diwa ng tinaguriang ‘bloodless revolution’, ito ang patuloy na pag-alala o to remember; ang pagsisi at ganap na pagtalikod sa mga maling naganap sa nakaraan o to repent; at ang naangkop na pagtugon o pagkakaroon ng kongkretong hakbang upang tugunan ang mga kamalian o to respond.

Paliwanag ng CBCP, mahalaga ang patuloy na pagkukuwento at pagbabahagi ng kasaysayan ng EDSA lalo na sa mga kabataan upang manatiling buhay ang apoy ng tapang at pananampalataya para sa susunod na henerasyon.

Inamin din ng Arsobispo na may pagkukulang rin ang sambayanan sa pangangalaga sa biyayang dulot ng EDSA kung saan naging kampante at nakalimot ang sambayanan sa pananagutang kaakibat ng Kalayaan at demokrasya ng bansa.

“The fire of EDSA, set aflame forty years ago, is our task to sustain. Let courage once again dwell in our hearts and let faith reignite our passion to pursue the common good, not only for ourselves, but also for next generations. Let us retell the story of EDSA.” Ayon pa kay Archbishop Garcera.

Binigyang-diin din ng Arsobispo ang pangangailangang magsisi at talikuran ang katiwalian, materyalismo, at kawalan ng malasakit sa kapwa.

Nanawagan naman ang CBCP ng ilang kongkretong hakbang para sa pagbabago kabilang ang paninindigan laban sa impunity o kawalan ng pananagutan; pagsuporta sa pagpasa ng isang tunay na Anti-Dynasty Bill; pagbuo ng volunteer groups para sa public accountability; aktibong pakikilahok sa dayalogo at konsultasyon sa pamahalaan; at pagsusulong ng edukasyon sa mabuting pagboto para sa halalan sa 2028.

Gii ng CBCP ang EDSA 1986 ay isang “kairos” o isang sandali ng biyaya, kung saan tulad ng apatnapung taong paglalakbay ng Israel sa ilang at ng apatnapung araw ng Kuwaresma, ang ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ay isa ring paanyaya sa patuloy na pagbabalik-loob.

Samantala, muli ring ipinanalangin ng CBCP ang pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria para sa kapayapaan, kaunlaran at kalayaan ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,932 total reads

 73,932 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 109,013 total reads

 109,013 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 144,313 total reads

 144,313 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,582 total reads

 370,582 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,944 total reads

 259,944 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top