EDSA PEOPLE POWER NANATILING UNFINISHED REVOLUTION

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 270,145 total reads

Sa ika-25 ng Pebrero, ipagdiriwang natin ang hindi pangkaraniwang political event na naganap sa bansa., ang ika-40 taong anibersaryo ng EDSA PEOPLE POWER revolution.

Ito ang EDSA People Power revolution, kauna-unahang bloodless revolution sa kasaysayan ng buong mundo. Tinapos ng EDSA People Power ang diktaduryang pamumuno ng dating pangulong Ferdinand Marcos sa Pilipinas sa loob ng mahigit dalawang dekada. Ang natatanging “bloodless revolution” ay naging inspirasyon sa iba’t-ibang bansa para i-empower o ibigay sa mamamayan ang kapangyarihan upang alisin sa kapangyarihan ang isang tyrannical ruler.

Ang apat na araw na mapayapang rebolusyon ng mahigit isang milyong Pilipino sa kahabaan ng EDSA ay nagwakas sa 21-taong Marcos dictatorship… naging global symbol ng demokrasya at naging dahilan upang mabuo at maratipikahan ng mga Pilipino ang 1987 Philippine Constitution.

Kapag pinag-uusapan ang EDSA people power revolution., naging matingkad at pinaka-crucial na papel ang ginampanang papel ng Radyo Veritas 846-Ang Radyo ng Simbahan sa naging tagumpay ng mapayapang rebolusyon. February 22, 1986, nanawagan sa Radyo Veritas ang dating Manila archbishop Jaime Cardinal Sin sa mga Pilipino na pumunta sa EDSA upang suportahan sina dating pangulong Fidel Ramos at Senador Juan Ponce Enrile na tumiwalag ng suporta sa dating pangulong Marcos. Dahil sa panawagan ni Cardinal Sin sa Radyo Veritas, milyong Pilipino ang sumugod sa EDSA na kinabibilangan ng mga Pari at madre, hinarap ang mga sundalong may matataas na kalibre ng armas, mga tangke ng pandigma gamit lamang ang mga bulaklak at rosaryo. Napatalsik ang diktaduryang Marcos dahil sa Panginoon.

Gayunman Kapanalig, makalipas ang 40-taon…, hindi pa rin natatapos ang EDSA people power revolution. Ang tunay na diwa ng bloodless revolution ay unti-unting nawawalan ng kinang, ang shining moment ng mapayapang pagkilos ng milyun-milyong Pilipino ay nakakalimutan na., hindi na pinapahalagahan.., Ika nga, ang peaceful revolution ay history na lamang., naka-archive na lamang sa puso at isipan ng mga nabubuhay pang Pilipino. Sa mga bagong henerasyon sa kasalukuyan.., Ang EDSA people power ay wala ng halaga., isinasantabi na lamang. Sa nakalipas na administrasyong Duterte at kasalukyang administrasyon ni PBBM., hindi idinideklarang holiday ang EDSA people power revolution.

Bakit unfinished revolution ang EDSA People Power? Kapanalig, karamihan sa ating mga Pilipino lalu na ang mga lider ng bansa ay balik na naman sa makasariling gawi. Lalong lumaganap o naging endemic na sa kasalukuyan ang katiwalian, korapsyon sa pamahalaan at maging sa pribadong sektor. Nanatiling mahirap ang mayorya ng mga Pilipino., lalong naging malaki ang agwat ng mayayaman sa mga mahihirap. Nanatiling bigo., hindi pa rin nakakamit ng mga Pilipino ang magandang bunga ng mapayapang rebolusyon.

Bakit hindi pa tapos ang EDSA people power revolution makalipas ang 40-taon? Dahil walang “revolution of heart”. Kailangan nating mga Pilipino ang “revolution of heart” upang matamasa ang diwa ng EDSA bloodless revolution.

Ang payo ng mga lider ng simbahang katolika sa Pilipinas…, nararapat nangingibabaw o nananaig sa ating mga puso lalu na sa mga lider ng bansa na “God and country first before me and my family”. Nagtagumpay ang EDSA dahil sa Panginoon., ang nakakalungkot., God is set aside. Sana Kapanalig, sa paggunita ng EDSA @40., maging sentro ng selebrasyon ang Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 23,267 total reads

 23,267 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 60,627 total reads

 60,627 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 78,838 total reads

 78,838 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 163,166 total reads

 163,166 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 199,448 total reads

 199,448 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bayan, hindi bayad

 23,269 total reads

 23,269 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 60,629 total reads

 60,629 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 78,840 total reads

 78,840 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 163,168 total reads

 163,168 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »
Scroll to Top