Cardinal David sa ika-40 taon ng EDSA: “Walang karapatang mamahala ang sino mang sumisira sa tiwala ng bayan”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,822 total reads

Iginiit ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang puwang ang pag-abuso sa kapangyarihan sa isang demokrasyang nakasalalay sa tiwala ng bayan.

Sa kanyang homiliya sa ikapitong misa nobenaryo ng National Shrine of Our Lady of Peace o EDSA Shrine, sinabi ng kardinal na hindi nararapat mamuno sa bayan ang mga tiwaling opisyal.

“Walang karapatang mamahala ang sino mang sumisira sa tiwala ng bayan,” ayon kay Cardinal David.

Binigyang-diin ng kardinal na ang panunungkulan sa pamahalaan ay hindi pag-aari kundi isang pananagutan sa Diyos at sa mamamayan.

Iginiit ni Cardinal David na ang pundasyon ng pamamahala ay public trust.

Ipinaliwanag din ng kardinal ang kahulugan ng transparency at accountability sa mas payak na wika.

“Ang pinakamalapit na salitang Tagalog para sa transparency ay ‘walang tinatago,’ at para sa accountability ay ‘handang managot,’” ani Cardinal David.

Ayon sa kanya, hindi lamang mga lingkod-bayan ang dapat magsuri ng sarili kundi maging ang mamamayan.

“Imposibleng magkaroon ng good governance kung walang responsible citizenship,” paalala ng kardinal, sabay panawagan ng isang “moral reset” para sa bansa.

Kasabay ng pagninilay sa Unang Linggo ng Kuwaresma, pinaalalahanan ni Cardibal David ang mga mananampalataya na ang kapangyarihan ay ipinagkakatiwala at hindi inaangkin.

Dagdag pa niya, maaaring malinlang ang tao, ngunit hindi ang Diyos.

“Hindi tayo boss. Hindi tayo amo. Tayo’y katiwala… Pwede mong lukohin o pagtaguan ang bayan. Pero pwede mo bang lukohin o dayain ang Panginoong Diyos?” ayon sa kardinal.

Hinimok ng kardinal ang lahat na pangalagaan hindi lamang ang tiwala ng bayan kundi higit sa lahat ang tiwalang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa bilang mga katiwala ng Kanyang nilikha.

Kabilang din si Cardinal David sa mga tagapagsalita sa Prayer Power sa EDSA kabilang ang mga kilalang personalidad na kaisa sa pagsusulong ng pananagutan sa mga lider ng bayan.

Ito rin ay paggunita sa yumaong Jaime Cardinal Sin na noo’y arsobispo ng Manila na nanawagan sa taumbayan sa pamamagitan ng Radio Veritas na magtungo at magbuklod sa EDSA na naging mitsa sa tinaguriang bloodless at peaceful revolution na nagpatalsik sa diktaduryang pamamahala ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 13,884 total reads

 13,884 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 52,066 total reads

 52,066 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 70,276 total reads

 70,276 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 154,604 total reads

 154,604 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 191,300 total reads

 191,300 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 1,818 total reads

 1,818 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top