Caritas Manila, nagbigay-pugay sa mga kababaihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 634 total reads

Isinusulong ng Caritas Manila ang higit na pagpapahalaga at pagkilala sa mga kababaihan na ngayon ay nangunguna sa ibat-ibang larangan higit na sa Social Service Development.

Sa paggunita ng International Women’s month tuwing buwan ng Marso at Women’s day sa ika-8 ng kasalukuyang buwan, nagbigay-pugay si Caritas Manila executive director Fr.Anton CT Pascual sa lahat ng kababaihan.

Ipinagdarasal ni Fr.Pascual na tuluyan nang mawala ang diskriminasyon at pang-aabuso sa mga kababaihan na nilikha ng panginoon kapantay ng mga lalaki.

“Una sa lahat, pinagpahalagahan ng Diyos ang kababaihan sa ating buhay, pinagpahalagahan ng Diyos ang kababaihan nang nilikha niya ang tao, lalaki at babae. Kaya sa ating pagiging Kristiyano, naway kasama yan ang ating malalim na respeto sa kababaihan. Naway pantay ang ating pagtingin sa kanila tulad ng kalalakihan, mabigyan ng oportunidad na pantay, at naway sila ay tunay na maging aktibong mga pinuno at lingkod sa ating lipunan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Pascual.

Kinilala ng pinuno ng Caritas Manila ang pagiging huwaran ng mga kababaihan sa paglilingkod sa panginoon at mga mahihirap bukod pa sa pagtataguyod sa pamilya.

“Ako nga po sa aking trabaho sa simbahan, NGO, at kooperatiba, ako po ay napapaligiran ng mga magagaling at mahusay na kababaihan na talagang huwaran ng pagiging lingkod ng Panginoon at huwaran din sa kanilang tahanan at pamilya. Buhay ang mga kababaihan ng bansang Pilipinas,” ayon sa mensahe ni Fr.Pascual sa Radyo Veritas.
Ngayong 2026, tema ng pagdiriwang sa International Women’s Day 2026 ay “Rights. Justice. Action. For ALL Women and Girls”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 110,116 total reads

 110,116 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 195,498 total reads

 195,498 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 259,336 total reads

 259,336 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 339,713 total reads

 339,713 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 417,489 total reads

 417,489 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top