Caritas Philippines, nakibahagi sa Caritas Internationales Humanitarian Conference 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 312 total views

Nakibahagi ang Caritas Philippines sa ginanap na Caritas Internationalis Humanitarian Conference 2026 sa Kigali, Rwanda, na dinaluhan ng 58 delegado mula sa mahigit 40 bansa na kabilang sa Caritas Internationalis network.

Sa ibinahaging detalye ng Caritas Philippines, nagsilbing tema ng pagtitipon ang “Rooted in Compassion, Rising to the Challenge: Caritas Humanitarian Action in a Changing World,” a layuning maging plataporma para sa dayalogo at pagbabahagi ng karanasan ng mga Caritas member organizations na aktibong tumutugon sa mga humanitarian crises sa iba’t ibang panig ng mundo.

Nagsilbing kinatawan ng Pilipinas sa naganap na pagtitipon si Ms. Jeanie Curiano, head ng Humanitarian Response ng Caritas Philippines.

“Caritas Philippines participated in the Caritas Internationalis Humanitarian Conference 2026 in Kigali, gathering 58 participants from over 40 countries across the Caritas Internationalis network. With the theme “Rooted in Compassion, Rising to the Challenge: Caritas Humanitarian Action in a Changing World,” the conference served as a platform for dialogue and shared learning among Caritas Member Organizations engaged in humanitarian response.” Pagbabahagi ng Caritas Philippines.

Ibinahagi naman ng Caritas Philippines ang kanilang mga karanasan bilang humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa larangan ng Disaster Risk Reduction, habang ang iba pang mga kalahok ay nagbahagi rin ng kani-kanilang mga pagtugon sa iba’t ibang sitwasyon ng krisis sa kanilang mga bansa.

Samantala, nagsagawa rin ang mga delegado ng isang learning visit sa mga proyekto ng Caritas Rwanda, na lalong nagpatibay sa ugnayan ng mga kasaping organisasyon at sa kanilang sama-samang paninindigan para sa isang makatao, makatarungan, at nakasentro sa pagtugon ng komunidad sa mga pangangailangan ng mundo.

“Caritas Philippines also presented its experiences in Disaster Risk Reduction, while other members shared humanitarian responses in various crisis contexts. The conference concluded with a learning visit to projects of Caritas Rwanda, strengthening collaboration and reaffirming the network’s commitment to compassionate and locally led humanitarian action.” Dagdag pa ng Caritas Philippines.

Bahagi rin ng naganap na pagtitipon ang pagbisita ng mga kalahok sa Kigali Genocide Memorial, bilang pagninilay sa naging karanasan ng Rwanda sa genocide at kung paano ito nakaimpluwensya sa paghubog ng mga pamantayan sa humanitarian response tulad ng Sphere Handbook.

Tinalakay rin sa mga sesyon ang iba’t ibang hamon sa pandaigdigang humanitarian work, kabilang ang pagpapalakas ng lokal na pamumuno, epektibong komunikasyon sa panahon ng krisis, at mga update hinggil sa Caritas Information Management Standard (CIMS).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 152,099 total views

 152,099 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 182,323 total views

 182,323 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 208,969 total views

 208,969 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 303,942 total views

 303,942 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 315,038 total views

 315,038 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top