Trabahong mahalaga pero hindi binabayaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 713 total reads

Mga Kapanalig, nasa kalagitnaan pa lang tayo ng National Women’s Month pero kaliwa’t kanan ang mga nakadidismayang balita laban sa kababaihan. Noong mga nakaraang editoryal, tinalakay natin ang political participation at sexual objectification sa mga kababaihan. Ngayon naman ay pag-usapan natin ang aspetong pang-ekonomiya.

Batay sa 2023 Gender Inequality Index, ang porsyento ng kababaihang may secondary education o nakapag-aral sa high school ay halos 64%, samantalang 60% sa kalalakihan. Ang labor force participation rate naman o porsyento ng manggagawang kababaihan ay 50%, samantalang 72% sa kalalakihan. Ayon kay Dr. Rogelio Alicor Panao, propesor sa UP Diliman, ang academic achievement ng kababaihan ay hindi nasasalamin sa labor force participation. Bagamat mas lamang nang kaunti sa edukasyon ang kababaihan kaysa kalalakihan, malaki pa rin ang agwat sa mga manggagawang Pilipino kung saan dehado ang mga babae.

Ang ‘di pagkakapantay-pantay na ito ay bahagyang dulot ng mga nakasanayang pananaw at saloobin tungkol sa gender roles o papel sa lipunang nakabatay sa kasarian. Sa survey ng Social Weather Stations (o SWS), lumalabas na 83% ng mga Pilipino ang sang-ayon na tungkulin ng lalaking kumita ng pera, habang ang babae ay inaasahang asikasuhin ang tahanan at pamilya. Ang ‘di-bayád na trabahong ito—mga gawaing-bahay at pagkalinga sa pamilya na karaniwang pinapasan ng kababaihan at kadalasang minamaliit sa lipunan—ay tinatawag na unpaid care work.

Sa 2021 National Household Care Survey, lumabas na 13 oras ang ginugugol ng kababaihan sa unpaid care work, kumpara sa 8 oras ng kalalakihan. Ayon kay dating Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, ipinapakita nito kung sino ang may oras para sa paid work, personal development, at pagpapahinga. Aniya, ang ‘di-pantay na distribusyon ng unpaid care work ay balakid sa pakikilahok ng kababaihan sa ekonomiya. Dagdag pa niya, ang economic empowerment ng kababaihan ay hindi lamang tungkol sa financial independence kundi pati na rin sa pagbibigay ng resources, oportunidad, at support systems gaya ng mga patakaran, serbisyo, at saloobin na kinikilala ang kahalagahan ng care o pagkalinga. Panawagan naman ng Philippine Commission on Women, kailangan nating hamunin ang stereotypes o nakasanayang pananaw sa gender roles at balansehin ang distribusyon ng unpaid care work.

Nakaugat ang ‘di pagkakapantay-pantay na ito sa ating sistemang patriyarkal kung saan nangingibabaw ang kapangyarihan ng kalalakihan sa lipunan. Kaya naman, bagamat marami na tayong progreso sa usaping gender equality, marami pa ring kailangang gawin.

Maging sa Simbahang Katolika ay marami pa tayong kailangang baguhin. Ayon sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies, ang kulturang patriyarkal natin ay nakabaón sa mga istruktura ng lipunan sa pamamagitan ng kolonisasyon at relihiyon. Wika ni Dr. Nathalie Africa-Verceles, propesor sa UP Diliman, ang relihiyon ay parte ng ating kultura na napakalaking bahagi ng paghubog at pagpapanatili ng gender norms at cultural values na ipinapasa sa mga henerasyon.

Paalala sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ang patuloy na diskriminasyon laban sa kababaihan ay bunga ng mahabang kasaysayan ng conditioning o paghubog sa mga paniniwala at asal ng mga tao dahil sa kultura, tradisyon, at mga nakasanayang sistema sa lipunan. Ang pagkokondisyong ito ay nagbabaluktot sa mga karapatan ng mga babae at nagsasantabi sa kanila sa lipunan. Kaya napakahalaga rin ng papel ng Simbahan sa pagbabago ng sistema at kulturang mapang-api sa kababaihan.

Mga Kapanalig, anuman ang ating kinagisnang paniniwala at saloobin, lagi nating tatandaan na tayo ay nilikhang may pantay na dignidad. Bagamat tayo ay may pisikal na pagkakaiba, sa huli, tayong lahat ay iisa. Wika nga sa Galacia 3:28, “Wala nang pagkakaiba … ang lalaki at ang babae.” Tayong lahat ay “tagapagmana ng mga pangako ng Diyos.” 

Sumainyo ang katotohanan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 10,780 total reads

 10,780 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,115 total reads

 12,115 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 25,718 total reads

 25,718 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,096 total reads

 63,096 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,366 total reads

 94,366 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 169,944 total reads

 169,944 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 262,932 total reads

 262,932 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 25,719 total reads

 25,719 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,097 total reads

 63,097 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,367 total reads

 94,367 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 169,945 total reads

 169,945 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top