PCPR, nagpahayag ng suporta sa mga driver

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,269 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Promotion of Church People’s Response sa mga driver ng pampublikong sasakyan at sa No To Oil Price Hike Coalition kaugnay ng isinagawang transport strike ng grupo upang tutulan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon sa PCPR, sinusuportahan ng grupo ang anim na pangunahing panawagan ng mga tsuper at manggagawa na apektado ng tumataas na gastusin sa transportasyon.

Partikular din tinukoy ng grupo ang epekto ng Oil Deregulation Law sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa, na lalong nagpapabigat sa mga tsuper at mamamayan.

“The Promotion of Church People’s Response stands in solidarity with PUV drivers and the No To Oil Price Hike Coalition in the six demands for today’s transport strike… The Oil Deregulation Law in the Philippines has allowed prices at the pump to more than double since the US attacked Iran.” Bahagi ng pahayag ng PCPR.

Nanawagan din ang Promotion of Church People’s Response ng panalangin para sa kapayapaan sa gitna ng umiiral na tensyon sa pandaigdigang antas, partikular ang epekto ng mga digmaan sa hanapbuhay ng mga manggagawa.

“Let us pray for an end to US wars of aggression that are affecting working peoples throughout the world, including the Philippines,” Dagdag pa ng PCPR.

Ayon sa PCPR, makakaasa ang mga batayang sektor sa patuloy na paninindigan ng iba’t ibang sektor, kabilang ang mga grupong pansimbahan, sa pagsusulong ng kapayapaan, katarungan, at kapakanan ng mga manggagawa sa gitna ng umiiral na krisis pang-ekonomiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 21,309 total reads

 21,309 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 69,180 total reads

 69,180 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 173,128 total reads

 173,128 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 259,241 total reads

 259,241 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 328,373 total reads

 328,373 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top