Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,241 total reads

Homiliya para sa Miyerkoles sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, 11 Marso 2026, Mat 5:17-19

Ang binasa nating ebanghelyo ay parte ng mahabang sermon on the mount, o aral sa bundok, ni Hesus. Dito sa binasa natin parang sinasagot niya ang mga bumabatikos sa kanya lalo na sa mga Pariseo na nagsasabing ipinagwawalang-bahala daw niya ang Banal na Kasulatan, ang tinatawag nilang Torah at Nebi’im. Sabi niya, nagkakamali sila. Sa katunayan, ang layunin niya ay ang bigyan ito ng katuparan.

Salitang Hebreo ang “Torah” at “Nebi’im”: ito ang dalawang pangunahing bahagi ng Banal na Kasulatan para sa mga Hudyo. Ang karaniwang Tagalog translation para sa “Torah” ay Batas at ang para sa “Nebi’im” ay Propeta. Okey ako sa Propeta, pero hindi ako kuntento sa Batas. Dahil kahit totoong malaking bahagi ng Torah ang Batas, para mga dalubhasa, ang mas tamang salin ng Torah sa Tagalog ay KATURUAN, o sa mas maikling salita, TURO. (Hawig na hawig, di ba? TORAH at TURO). Kaya dito rin hango ang ating salita para sa titser: TAGATURO, o sa mas maikling salita, GURO.
Totoo naman na iyon ang pangunahing gawain ng guro o titser, di ba? Ang magturo. Kumbaga sa biyahe, ituturo lang niya ang daan. Tayo pa rin ang gagawa ng lakbayin. At hahantong tayo sa ating patutunguhan kung susunod tayo sa turo niya. Kung hindi, pwede tayong maligaw ng landas.

Kahit sa Lumang Tipan, madalas nating marinig na ilarawan ang Diyos ng Israel bilang Guro o Tagaturo. Sa chapter 2:3 ng Aklat ni Propeta Isaias 2, may orakulo ang propeta tungkol sa mangyayari bago magwakas ang panahon: daragsa daw ang mga tao mula sa iba’t ibang bansa sa buong daigdig patungong Jerusalem. Sasabihin daw nila, “Tayo na sa bundok ng Panginoon, sa templo ng Diyos ni Jacob. Tuturuan niya tayo roon ng kanyang mga pamamaraan upang sundin natin.”

Ang Diyos ay inilalarawan bilang Guro, at ang bayan naman ay mag-aaral o istudyante. Iyun din ang madalas nating iugnay sa salitang “disipulo” o alagad—mag-aaral. Sayang nga lang kapag ang pag-aaral ay ini-equate natin sa pagpasok sa eskuwelahan. Madalas kong sabihin sa mga pari, delikado ang paring nag-aakalang tapos na ang pag-aaral niya dahil gumradweyt na siya sa seminaryo. Delikado rin ang duktor na hindi na nag-aral mula nang matapos sa medical school. Applicable ito sa ating lahat—hindi lang sa pari at duktor.
Ang buhay ng tao ay walang hintong pag-aaral. Napaka-delikado kapag huminto na sa pag-aaral ang tao, kapag akala niya alam na niya ang lahat. Kapag ang tao ay wala nang bagong natututuhan, baka ibig sabihin patay na siya. At para magpatuloy sa pag-aaral, para matuto, laging kailangan ang makinig, magnilay, magsumikap na makaunawa, maisabuhay ang natututuhan, manatiling mababa ang loob, hindi matigas ang ulo. Sabi ng isang Pilosopo, “Kung kailan tayo nakakaalam, mas lalo nating natutuklasan ang ating kamangmangan, mas lalo tayong namumulat na marami pa pala tayong hindi alam.”

Sa yumaong Pope Paul VI na ngayon ay Santo na, sa kanya ko unang narinig ang kasabihan, “Modern human beings tend to listen more to witnesses than to teachers. If they listen to teachers it is because they are witnesses.” Sa Tagalog, “Mas pinakikinggan ng modernong tao ang mga patotoo kaysa tagaturo. Kung pakikinggan nila ang tagaturo, ito’y dahil siya mismo ay nagpapatotoo sa kanyang itinuturo.”

Ito ang kakaibang paraan ni Hesus bilang Guro. Minsan akala nila, laway lang ang puhunan ng guro. Hindi totoo. Ang puhunan ng tunay na guro para sa mabisang paraan ng pagtuturo ay hindi lang laway kundi sariling buhay, buong pagkatao.

Siguro iyon ang dahilan kung bakit kahit marami tayong naging titser sa buhay, iilan lang ang natatandaan talaga natin: iyong pinagkakautangan natin ng loob dahil marami tayong natutuhan sa kanila. Hindi lang dahil mabisa ang paraan ng kanilang pagtuturo, hindi lang dahil nakukumbinsi tayo ng kanilang mga salita, kundi dahil—naging huwaran sila sa atin, naging mabuting halimbawa ng kanilang itinuturo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 67,858 total reads

 67,858 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 103,412 total reads

 103,412 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 138,712 total reads

 138,712 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 364,982 total reads

 364,982 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 254,570 total reads

 254,570 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 14,094 total reads

 14,094 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 19,740 total reads

 19,740 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 19,004 total reads

 19,004 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top