Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 886 total reads

Homiliya para sa Biyernes ng Ikatlong Linggo ng Kuwaresma

13 Marso 2026 – Marcos 12:28–34

Hindi ba parang nakapagtataka na nagdagdag pa si Hesus ng ikalawang utos, gayong ang tanong sa kanya ay tungkol lamang sa “pinakauna sa lahat ng utos”?

Pero bago ang pangalawa, ano ba ang ibig sabihin ng nagtatanong tungkol sa “pinakauna”? Sa ibang ebanghelyo, ang tanong ay “Alin ang pinakadakila?” Pareho lang iyon sa pinakauna—ibig sabihin, ang pinakamahalaga, o ang pinakabuod ng lahat ng utos. At bilang isang mabuting Hudyo, ibinigay ni Hesus ang expected na sagot—mula sa Deuteronomio 6:4–5. Ito ang kilala ng lahat ng mga Hudyo na “Dakilang Shema,” na kailangang kabisaduhin ng bawat kabataan bago umabot sa edad na labintatlo. Tinawag itong Shema dahil nagsisimula ito sa salitang Hebreo na shema, na ang ibig sabihin ay “Pakinggan mo” o “Dinggin mo.”

“Dinggin mo, O Israel! Ang Panginoon ang ating Diyos, ang Panginoon ay iisa! Kaya ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso,
nang buong kaluluwa, at nang buong lakas.”

Pero gaya ng nabanggit ko, nagdagdag pa si Hesus ng ikalawa, mula naman sa Levitico 19:18:
“Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”

Tuwang-tuwa ang eskriba sa sagot ni Hesus. Inulit pa niya ito at nagdagdag pa ng paliwanag na galing sa propetang si Jeremias.

Bakit kaya nagdagdag pa si Hesus ng pangalawang utos, kung sapat na sana ang una para sagutin ang tanong ng eskriba?

Dahil hindi rin sapat kay Hesus na sagutin lang ang eskriba; gusto rin niya itong hamunin. Pansinin natin ang sinabi ni Hesus sa eskriba sa bandang dulo: “Hindi ka malayo sa kaharian ng Diyos.”

Parang papuri iyon, pero sa totoo lang isang hamon iyon. Alam nyo ba yung kantang: “So close, so close and yet so far.” ? Sa Tagalog-“Malapit man malayo din.”

Kapag sinabing “hindi ka malayo,” ibig sabihin malapit ka na—pero hindi rin niya sinasabing “nandoon ka na”, kundi wala ka pa roon.

Maayos ang sagot ng eskriba at malinaw na naiintindihan niya ang sinabi ni Hesus. Pero para kay Hesus, hindi sapat ang pag-unawa lamang. Kahit naman ang demonyo ay marami ring alam tungkol sa Diyos at mahilig ding magbanggit ng mga talata mula sa Bibliya.

Iba ang alam mo kung ano ang tama, at iba rin ang ginagawa mo ang tama. Parang sinasabi ni Hesus: Malapit ka na sa kaharian dahil naiintindihan mo na ang kautusan. Pero hindi ka pa nakakaabot doon hangga’t hindi mo ito isinasabuhay.

Sa bersiyon ni San Lucas ng halos tungkol din sa pinakamahalagang utos (Lucas 10:25–37), imbes na sagutin, ibinalik ni Hesus ang tanong sa lalaki. At ang eskriba mismo ang sumagot sa sarili niyang tanong:

“Ibigin ang Diyos nang buong puso, at ang kapwa gaya ng sarili.”

Sumagot si Hesus:

“Tama ang sagot mo. Gawin mo ito.”

Doon nagsimula ang hamon para sa eskriba. Dahil humirit pa siya matapos sagutin ang sariling tanong. Sinubukan pa niyang ipagtanggol ang sarili sa pamamagitan ng follow-up question:
“Sino ba ang aking kapwa?”

At imbes na paliwanag, isang kuwentong patalinghaga ang isinagot ni Hesus: ang talinghaga ng Mabuting Samaritano.

May katbas dim ito San Juan sa kanyang unang sulat (1 Juan 4:20), pero mas direkta at prangka:

Kung sinasabi daw ng isang tao na mahal niya ang Diyos pero kinapopootan niya ang kanyang kapwa, sinungaling siya. Paano daw niya masasabi na mahal niya ang Diyos na hindi niya nakikita kung hindi mo naman alam mahalin ang kapwa na kanyang nakikita?

Sa totoo lang ito ang background kung bakit ipinagbabawal sa pananampalatayang Hudyo ang paggawa ng mga larawan ng Diyos na hindi nakikita. Bakit? Dahil ginawa na ng Diyos mismo ang pinakamalinaw na larawan niya—ito’y walang iba kundi ang tao mismo. Ang taong kalarawan ng Diyos.

Kaya din siguro sa nobelang LES MISERABLES, naisulat ni Victor Hugo: To love another person is to see the face of God.

“Nakikita ng taong magmamahal ang mukha ng Diyos sa kanyang kapwa.”

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 16,585 total reads

 16,585 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 17,433 total reads

 17,433 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 34,093 total reads

 34,093 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 71,470 total reads

 71,470 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 102,739 total reads

 102,739 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 177,816 total reads

 177,816 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 270,363 total reads

 270,363 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

THE “SON OF MAN”

 10,460 total reads

 10,460 total reads Homily for the 21st Sunday in Ordinary Time, 23 August 2026 Matthew 16:13–20 We need to do a little Bible study for a

Read More »

LOVE YOUR NEIGHBOR AS YOURSELF

 7,251 total reads

 7,251 total reads Homily for the Last Day of the Novena Mass of Mary the Queen Parish, Friday, 21 August 2026 Ezekiel 37:1–14; Matthew 22:34–40, Votive

Read More »

SINO?

 19,805 total reads

 19,805 total reads Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21 Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan

Read More »

PAGSASAAYOS

 19,441 total reads

 19,441 total reads Dalawang talinghaga ang pagbasa sa ebanghelyo: ang mangingisda at ang maybahay. Parehong may kinalaman sa pagpili. Pagpili ng mangingisda sa mga nahuli ng

Read More »
Scroll to Top