MAKAKITA ANG BULAG, MABULAG ANG NAKAKIKITA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 790 total reads

Homiliya para sa Linggo ng Laetare sa Kuwaresma, 15 Marso 2026, Jn 9:1-41 or 9:1, 6-9, 13-17, 34-38

Medyo weird o kakaiba ang dating sa paraan ni Hesus ng pagpapagaling sa taong bulag mula pagkasilang. Actually nasa Gospel of Mark din ang mga kwento tungkol sa paggamit ni Hesus ng laway sa panggagamot. Pero dito di lang laway kundi lupa na hinaluan ng laway at ginawang putik ang ginamit niya at ipinahid sa mata ng bulag.

Ang tawag dito ng mga dalubhasa sa Bibliya ay “Matalinghagang Kilos-Propeta” (symbolic prophetic action). Ginawa rin ito ng ibang mga propeta—mga tipo ng pahayag hindi sa pamamagitan ng salita kundi sa kakaibang kilos na tumatawag pansin at matalinghaga ang dating. Parang palaisipan, kumbaga.

Kung ganoon, ano ang ibig ipahiwatig ni Hesus sa ginawa niya sa bulag? Kailangang balikan ang kuwento ng paglikha ng Diyos sa tao sa Book of Genesis. Sabi ng manunulat, nang likhain ng Diyos ang tao: kumuha siya ng putik (clay), minolde ito, hinipan at nabuhay.

Ito ang para bang ginagawa ni Hesus para sa lalaking isinilang na bulag, sa kuwento ng ebanghelyo. Parang binubuo ang hindi nakumpleto sa kanyang pangangatawan. May mata siya pero bulag mula sa pagkabata. Sa pinaghalong laway at lupa, gumawa ng putik ang Panginoon, ipinahid sa mga mata ng bulag, at pagkatapos pinaghugas siya sa balon. Pati pangalan ng balon ay matalinghaga: Siloam, na ang ibig sabihin ay “isinugo”. Iyun ang layunin niya: hinihilom niya ang bulag para maisugo siya, para makiisa siya sa pagmimisyon.

Hindi ginagamit ni San Juan ang salitang milagro para ilarawan ang pagpapagaling na ginawa ni Hesus. Mas gusto niyang gamitin ang salitang palatandaan. Kaya sa may bandang dulo, nasabi niya, “Naparito ako sa mundong ito para sa paghuhukom, upang makakita ang mga bulag at mabulag ang mga nakakakita.”

Nakakitang muli ang taong bulag mula sa pagkabata. Pero ano ang reaksyon ng mga Pariseo? Lumabag daw siya sa batas dahil pinagaling niya ang bulag sa araw ng Sabbath, araw na bawal ang gumawa ng kahit na anong trabaho.

Kapag mabuti na ang nangyayari pero masama pa rin ang nakikita, ano ang dapat itawag doon? Ano pa kundi espiritwal na pagkabulag? Sa pamamagitan ng pagpapagaling sa taong bulag mula sa pagkabata na hindi makitaan ng kabutihan ng mga Pariseo, naging malinaw ang punto ng Panginoon: mas madaling hilumin ang pisikal kaysa espiritwal na pagkabulag.

Applicable din ito sa baligtad na sitwasyon. Dito, mabuti ang nangyari pero masama ang nakita. Pwede ring mangyari na walang makitang anumang masama sa paligid niya ang tao, lalo na kung nagiging panatiko na siya. Di ba ba may palaisipan ang mga Tsino tungkol sa tatlong unggoy na nagtatakip ng mata, tenga at bibig: “See no evil, hear no evil, speak no evil”? Ibang klaseng pagkabulag din ito.

Sa iba’t ibang dako ng mundo, nauuso na naman ang mga lider o politiko na tinatawag na populista na mahilig sa giyera. Mga tipong mahusay mangumbinsi na sila ang magdadala ng madaliang solusyon sa mga problema ng lipunan. Na sagabal lang ang batas, na kailangan ang kamay na bakal. Mahusay silang mang-udyok ng galit at hinanakit, mahusay magturo ng kung sino ba ang dapat sisihin sa kahirapan ng tao, na mapapadali ang solusyon kung hahayaan silang puksain na lang na parang peste o salot ang mga ito.

Ito ang klase ng mga lider na nauuso na naman—mga tipong iniidolo. Bayani pa rin ang turing sa kanila kahit walang paggalang sa batas, kahit lantaran na ang kanilang mga krimen, nananatili pa ring tapat ang kanilang mga loyalista taga-suporta. Ibig sabihin hindi na mga mata lang ang may diperensya kundi puso at kaluluwa, na nabalutan na ng dilim. Sabi nga ng Panginoon sa Mateo 6, 23: “Kung malabo ang iyong mata, madidiliman ang buo mong katawan. Kung ang magsisilbing ilaw mo ay kadiliman, napakatinding kadiliman nito.”

Ito ang pagnilayan natin ngayong panahon ng Kuwaresma. Ito rin ang hilingin natin sa ating panalangin: “Panginoon, isugo mo po sa amin ang Banal na Espiritu at kami’y muling likhain, upang matanglawan ng liwanag ang aming mga puso at kaluluwa, at upang kami’y makabahagi mo sa patuloy na pagpapanibago sa daigdig. Amen.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 36,038 total reads

 36,038 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 71,832 total reads

 71,832 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 125,666 total reads

 125,666 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 187,448 total reads

 187,448 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 255,188 total reads

 255,188 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SINO?

 11,768 total reads

 11,768 total reads Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21 Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan

Read More »

PAGSASAAYOS

 11,402 total reads

 11,402 total reads Dalawang talinghaga ang pagbasa sa ebanghelyo: ang mangingisda at ang maybahay. Parehong may kinalaman sa pagpili. Pagpili ng mangingisda sa mga nahuli ng

Read More »

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 36,601 total reads

 36,601 total reads Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 100,622 total reads

 100,622 total reads Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »
Scroll to Top