Suspendidong minahan, mino-monitor ng Diocese of Surigao.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 501 total views

Patuloy ang monitoring activities ng Diocese of Surigao sa mga suspendidong minahan dahil sa nakabinbing kautusan ng Department of Environment and Natural Resources.

Ayon kay Bishop Antonieto Cabajog, bumuo ang kanilang diocese ng monitoring team na magbabantay sa mga mining sites upang matiyak na hindi nito nilalabag ang kasalukuyang kautusan ng D-E-N-R.

Inihayag naman ni Bishop Cabajog na pabor ito sa pagpapasara ng mga minahan at pagpapaigting ng eco-tourism sa kanilang lalawigan.

“We can do alternatives and sa Surigao madaming natural resources na [maganda] sa eco-tourism, yun nalang sana ang mapaganda at ma enhance, mas maganda ang eco-tourism kasi ang Surigao kilala na na magandang puntahan,” bahagi ng pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Kaugnay dito, inihayag ng D-E-N-R na kasado na ang pagsusulong sa Green Economy ng Pilipinas.

Ayon kay Environment Sec. Gina Lopez sa pamamagitan ng DENR Administrative Order (DAO) No. 2017-08, matutuon ang programa ng lokal na komunidad sa pagsasaayos sa kanilang kapaligiran habang kumikita ang kanilang residente.

Dagdag pa ni Lopez, mas masusuportahan ng National Government ang programa ng local government sa pamamagitan ng Green Economy Models o GEMs kung saan ang mga residente ang gagawa ng sustainable goods at services para sa nasirang kapaligiran.

Batay sa Department of Tourism bagamat uumpisahan pa lamang ang pagpapalago sa green economy, ay nakalikha na ito ng 4.7 milyong trabaho mula sa turismo simula noong 2004.

Dahil dito, naniniwala si Bishop Cabajog na kung magpapatuloy ang magandang nasimulan ng ahensya ay maiaangat na ang buhay ng mga mahihirap na apektado ng pagmimina.

Samantala, unang nagkasundo ang pamahalaan at Simbahan na tuldukan na ang irresponsible mining sa bansa.

Read: http://www.veritas846.ph/simbahan-pangulong-duterte-magkasundo-na-tuldukan-na-ang-irresponsible-mining/

Batay nga sa Laudato Si ni Pope Francis mapag-iibayo ang kabuhayan ng mga mahihirap sa pamamagitan ng pamumuhunan sa mga imprastraktura sa bukid, pagsasa-ayos ng merkado sa lokal at pambansa, at pagtuturo ng mga bagong pamamaraan sa kabuhayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 53,502 total views

 53,502 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 75,507 total views

 75,507 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 99,849 total views

 99,849 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 122,923 total views

 122,923 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 154,584 total views

 154,584 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 303,382 total views

 303,382 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top