Pag-angat ng Kasanayan ng Mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 862 total views

Kapanalig, ang edukasyon ay mahalaga. Ito ay isang daan labas ng kahirapan.
Sa ating bayan nga lamang kapanalig, medyo limitado ang depinisyon ng edukasyon. Marami sa atin ay naniniwalang ang edukasyon ay lagi dapat pormal. Hindi bukas ang marami sa atin sa konsepto ng paglilinang ng kasanayan o bokasyonal na edukasyon.
Kaya’t hindi nakakapagtataka na malaki ang skills mismatch sa ating bansa. Kung titingnan ang labor market ngayon, maraming mga graduates ang walang trabaho at maraming trabaho ang kulang sa mga aplikante habang sa ibang posisyon, milya milya ang haba ng mga aplikante. Noong nakaraang taon, tinatayang mga 1.2 million na graduates ang hindi agad nakakuha ng trabaho dahil sa job mismatch.
Ayon sa Labor Market Information Report ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula 2013 to 2020, 275 na trabaho ang in-demand habang may 102 naman ang mahirap malagyan ng tao.
Ang mga ganitong sitwasyon ay maaring maiwasan kung ang ating lipunan ay mas bibigyang pansin ang paglilinang ng kasanayan kasabay ng pagsasa-ayos ng pormal na edukasyon. Ang mataas na investment sa skills development ay isang mainam na paraan upang maiwaksi ang kahirapan sa bayan at matugunan ang isyu ng hindi pagkapantay-pantay ng lipunan.
Sa ngayon kasi kapanalig, marami ang nais makakuha ng diploma ngunit dahil sa hirap na buhay, kaunti lamang ang nakakapagtapos ng pormal na edukasyon. Kung walang kasanayan ang mga hindi nakatapos, nawawalan sila ng ibang opsyon upang magkaroon ng disenteng hanapbuhay.
Ang investment sa paglilinang ng kasanayan ay hindi lamang dapat limitado sa pagbibigay insentibo sa mga institusyong nagbibigay ng training at vocational education. Kasama din dapat ditto ang pagtataas ng kamalayan ng mas maraming Pilipino ukol sa kabutihang maaring maidulat ng technical at vocational education.
Ang pagpapalawig ng opsyon para sa edukasyon at kabuhayan ay isang uri ng pagkilala sa dignidad ng tao. Ang Mater et Magistra ay nag-papa-alala sa mahalagang bahagi ng edukasyon sa ating buhay at pagkatao: Marami pa ring mga hindi makatarungan at makataong pangyayari sa ating buhay ngayon. Marami pa ring mga pagkakamali ang nakaka-apekto sa ating mga gawain, layunin, struktura at mga operasyon. Ngunit hindi natin mapapagkaila na, salamat sa agham at teknolohiya, ang mga produktibong sistema ngayon ay mas moderno at mas mahusay. Lahat ng ito ay nangangailangan ng mas mataas na lebel ng kasanayan mula sa mga mangagawa. Kaya’t kailangan bigyan sila ng tulong at oras upang makumpleto nila ang kanilang bokasyonal na pagsasanay at ng kanilang kultural, moral, at ispiritwal na edukasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 159,850 total views

 159,850 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 181,960 total views

 181,960 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 254,727 total views

 254,727 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 245,896 total views

 245,896 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang bayanihan

 159,851 total views

 159,851 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 181,961 total views

 181,961 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 254,728 total views

 254,728 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »
Scroll to Top