Suspendidong minahan, mino-monitor ng Diocese of Surigao.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 646 total reads

Patuloy ang monitoring activities ng Diocese of Surigao sa mga suspendidong minahan dahil sa nakabinbing kautusan ng Department of Environment and Natural Resources.

Ayon kay Bishop Antonieto Cabajog, bumuo ang kanilang diocese ng monitoring team na magbabantay sa mga mining sites upang matiyak na hindi nito nilalabag ang kasalukuyang kautusan ng D-E-N-R.

Inihayag naman ni Bishop Cabajog na pabor ito sa pagpapasara ng mga minahan at pagpapaigting ng eco-tourism sa kanilang lalawigan.

“We can do alternatives and sa Surigao madaming natural resources na [maganda] sa eco-tourism, yun nalang sana ang mapaganda at ma enhance, mas maganda ang eco-tourism kasi ang Surigao kilala na na magandang puntahan,” bahagi ng pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Kaugnay dito, inihayag ng D-E-N-R na kasado na ang pagsusulong sa Green Economy ng Pilipinas.

Ayon kay Environment Sec. Gina Lopez sa pamamagitan ng DENR Administrative Order (DAO) No. 2017-08, matutuon ang programa ng lokal na komunidad sa pagsasaayos sa kanilang kapaligiran habang kumikita ang kanilang residente.

Dagdag pa ni Lopez, mas masusuportahan ng National Government ang programa ng local government sa pamamagitan ng Green Economy Models o GEMs kung saan ang mga residente ang gagawa ng sustainable goods at services para sa nasirang kapaligiran.

Batay sa Department of Tourism bagamat uumpisahan pa lamang ang pagpapalago sa green economy, ay nakalikha na ito ng 4.7 milyong trabaho mula sa turismo simula noong 2004.

Dahil dito, naniniwala si Bishop Cabajog na kung magpapatuloy ang magandang nasimulan ng ahensya ay maiaangat na ang buhay ng mga mahihirap na apektado ng pagmimina.

Samantala, unang nagkasundo ang pamahalaan at Simbahan na tuldukan na ang irresponsible mining sa bansa.

Read: http://www.veritas846.ph/simbahan-pangulong-duterte-magkasundo-na-tuldukan-na-ang-irresponsible-mining/

Batay nga sa Laudato Si ni Pope Francis mapag-iibayo ang kabuhayan ng mga mahihirap sa pamamagitan ng pamumuhunan sa mga imprastraktura sa bukid, pagsasa-ayos ng merkado sa lokal at pambansa, at pagtuturo ng mga bagong pamamaraan sa kabuhayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 22,841 total reads

 22,841 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 61,536 total reads

 61,536 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 96,836 total reads

 96,836 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 323,105 total reads

 323,105 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 215,021 total reads

 215,021 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,798 total reads

 35,798 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 28,690 total reads

 28,690 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top