Sakripisyo at malasakit sa kapwa, panawagan ni Pangulong Marcos ngayong Semana Santa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,416 total reads

Nagpaabot ng mensahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino bilang pakikiisa sa paggunita ng Semana Santa, na bilang panahon ng pamamahinga, pagninilay, at panibagong lakas ng pananampalataya.

Ayon sa Pangulo, mahalagang gamitin ang banal na panahong ito upang alalahanin ang sakripisyo ni Hesukristo at ang mas malalim na kahulugan ng paglilingkod sa kapwa.

“I am one with the entire Filipino people as we take a moment for a brief pause, rest, and reflection during this Holy Week,” pahayag ng Pangulo.

Binigyang-diin niya na ang buhay at paghihirap ni Kristo ay paalala na ang tunay na kadakilaan ay hindi nasusukat sa kapangyarihan kundi sa sakripisyo at paglilingkod.

“The Passion of Christ reminds us that true greatness is not found in power, but in sacrifice; not in privilege, but in service; and not in comfort, but in the courage to carry the burdens of others,” dagdag pa ng punong ehekutibo.

Hinimok din ng Pangulo ang publiko na patatagin ang pananampalataya sa gitna ng mga pagsubok, at pairalin ang malasakit at pagtutulungan sa kapwa, lalo na sa mga nangangailangan.

“As we reflect on His sacrifice, may we renew our commitment to love one another more deeply, serve one another more faithfully, and stand firm in faith even in the face of trials,” aniya.

Ayon pa kay Marcos, ang bawat gawa ng kabutihan at sakripisyo para sa kapwa ay pagpapatuloy ng diwa ng mensahe ni Kristo.

“For in every act of compassion, every hand extended to those in need, and every sacrifice made for the good of others, we keep alive the spirit of His message,” giit ng Pangulo.

Sa huli, nanawagan ang Pangulo na gawing inspirasyon ang Semana Santa upang patatagin ang pagkakaisa at malasakit sa bansa.

“May this Holy Week strengthen our resolve to become a nation guided by faith, united in purpose, and inspired by selfless service,” ayon pa kay Marcos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 65,790 total reads

 65,790 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 98,285 total reads

 98,285 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 200,111 total reads

 200,111 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 240,669 total reads

 240,669 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 258,447 total reads

 258,447 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top