Caritas Manila, naka-red alert sa epekto ng digman sa Middle East

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,903 total reads

Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa lahat ng mga mananampalatayang nakikiisa sa Alay Kapwa 2026 Damayan Telethon sa pakikipagtulungan ng Radyo Veritas.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila, napapanahon din ang telethon kasabay ng nagaganap na digmaan sa Gitnang Silangan at ang epekto nito sa mga pinakamahihirap, maging sa mga minimum wage earner na maari namang maapektuhan dahil sa pagbabawas ng mga kawani dulot ng krisis sa ekomiya.

“Lalo na ngayon na apektado tayo sa hindi naman matinong digmaan sa Gitnang Silangan at dapat matapos na ‘yan sapagkat apektado ang buong mundo. At ang alam po natin ang palaging biktima ay ang mahihirap. ‘Pag tumaas ang mga bilihin, alam po natin na ang magugutom kaagad ay ang mahihirap at ang malnourished,” ayon kay Fr. Pascual sa panayam ng Radyo Veritas.

Ayon pa sa pari, dahil sa epekto ng digmaan inaasahan din ang pagtaas ng bilang ng mga malnourished at mahihirap.

Dagdag pa ng pari; “Iyan ang ating danger ngayon, yung malnutrition,hunger tumaas na naman ‘yan. Kaya tayo ay nasa ‘red alert’ ang Caritas Manila nga ay meron tayong major programs ngayon. Of course ‘yung short term program. Hopefully hindi na masyadong tumagal ang digmaang ito. Bagama’t sabi nila, kapag huminto na ang digmaan, hindi naman automatic bababa ang presyo ng gasolina, dahil marami ang pang nasira mga oil refineries tsaka infrastructures. Kaya’t it would take longer time.”

Sa kasalukuyan sinabi ni Fr. Pascual na isa sa ginagawa ng Caritas Manila ay ang pagbibigay ng ayuda tulad ng mga gift certificates sa mga pinakamahihirap.

Ayon sa ulat, nasa 20 porsyento ng populasyon ang kabilang sa pinakamahihirap at sila rin ang pinakaapektado ng gutom tuwing may kalamidad, kaya kailangan itong agad tugunan dahil sa matinding epekto nito sa kanilang kalusugan at kaisipan.

“Kaya meron tayo sa Damayan, ito ngang Alay Kapwa-is for calamities. Naka-focus tayo sa calamities-ang programa ng Alay Kapwa ng Caritas Manila is for calamities-both manmade and natural. Ngayon itong digmaan nga is a man-made, kaya kailangan natin na maging maagap agad. Para matulungan agad ang mahihirap na tinatamaan ng oil crisis,” ayon pa kay Fr. Pascual.

Ang Alay Kapwa ay taunang programa ng simbahan na naglalayong itaas ang kamalayan at pananagutan ng bawat Pilipino, lalo na sa kalagayan ng mga mahihirap na biktima ng kalamidad—maging ito man ay gawa ng kalikasan gaya ng bagyo, baha, lindol, at pagputok ng bulkan, o gawa ng tao tulad ng sunog, baha, at digmaan sa ibang bansa.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 18,759 total reads

 18,759 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 49,292 total reads

 49,292 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 109,790 total reads

 109,790 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 129,414 total reads

 129,414 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 210,068 total reads

 210,068 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 309,571 total reads

 309,571 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top