Entitlement, babala ni Bishop Villarojo sa mga pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 432,233 total reads

Ipinahayag ni Malolos Bishop Dennis Villarojo na ang tunay na diwa ng paglilingkod sa Simbahan ay hindi paghahangad ng pagkilala kundi pasasalamat sa biyayang makapaglingkod.

Sa kanyang homiliya sa Chrism Mass na ginanap sa Katedral at Basilika Menor ng Inmaculada Concepcion nitong Martes Santo, iginiit ng obispo sa mga pari na dapat “Tayo ang nagpapasalamat dahil tayo ang pinaglingkod.”

Paliwanag ng obispo, ang paglilingkod ng pari ay hindi nagmumula sa sariling kabutihan kundi sa biyaya ng Diyos na pumipili at nagtatalaga ng mga pastol.

“Service does not spring from our gratitude. We are grateful because we have been given the chance. We have been chosen to serve,” ayon kay Bishop Villarojo.

Babala ni Bishop Villarojo sa mga pari ang panganib ng pagiging entitled sa kanilang ministeryo at pagpapastol sa kawang ipinagkakatiwala sa kanilang pangangalaga.

“What is supposed to be a privilege can become a sense of entitlement. Entitlement begets expectations; failed expectations beget disappointment,” dagdag pa ni Bishop Villarojo.

Ayon sa obispo, kapag ang pari ay naghahangad ng pasasalamat, nasisira ang ugnayan ng diakonia at eukaristiya at nawawala ang galak sa paglilingkod na lalong nagpapabigat sa pagganap ng tungkulin ng isang pastol.

Iginiit din ni Bishop Villarojo na ang pagkapari ay hindi karaniwang serbisyo kundi pakikibahagi sa mismong gawain ni Kristo.

Kasabay ang paalala na ang pari ay tinatawag upang maging buhay na instrumento ni Hesus sa mundo.

“Hindi ito karaniwang paglilingkod. Ito’y pakikibahagi sa paglilingkod ni Kristo… The priesthood is the perpetuation of Christ’s work, His incarnation,” saad ng obispo.

Sa konkretong paglalarawan, hinimok ng obispo ang mga pari na gamitin ang kanilang mga kakayahan bilang daluyan ng habag at pag-ibig ng Panginoon.

“Itong mga kamay na ito ay inilalaan sa pagbabasbas… sa pag-aangat ng mga taong nalulugmok,” aniya.

Muling binigyang-diin ni Bishop Villarojo na ang sukatan ng paglilingkod ay hindi papuri kundi ang pagiging daluyan ng pag-ibig ng Diyos.

“Hindi hangad ng pari na siya ay pasalamatan. Sapat na siya ay ginamit ni Cristo upang maipadama ang pag-ibig ng Diyos sa bawat tao,” giit ni Bishop Villarojo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 62,415 total reads

 62,415 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 95,204 total reads

 95,204 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 197,030 total reads

 197,030 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 237,588 total reads

 237,588 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 255,521 total reads

 255,521 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top