Radio Veritas, paiigtingin pa ang pagiging boses ng katotohanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 122,462 total reads

Naninindigan ang Radio Veritas na ipagpatuloy ang pagiging tinig ng katotohanan at pag-asa sa gitna ng lumalalang krisis sa lipunan sa pagdiriwang ng ika-57 anibersaryo ng himpilan.

Sa mensahe ni Fr. Roy Bellen, Pangulo ng himpilan, iginiit na nananatiling mahalaga ang papel ng media ng Simbahan lalo na sa panahon ng kaguluhan at paghihirap.

“Amid ongoing social issues, war-related suffering, and economic struggles, Radio Veritas is committed to its prophetic role,” pahayag ni Fr. Bellen.

Binigyang-diin ng pari ang misyon ng himpilan na magsilbing boses ng mga naaapi at tagapagtaguyod ng katotohanan sa lipunan.

“We aim to give a voice to the voiceless, uphold truth with charity, and support the faithful with uplifting messages,” ayon pa sa pari.

Iniugnay ni Fr. Bellen ang misyon ng media arm ng Archdiocese of Manila sa diwa ng Mahal na Araw, partikular sa pagpapakasakit at muling pagkabuhay ni Hesus na patuloy na nagbibigay ng pag-asa sa mamamayan sa gitna ng mga hamong kinakaharap.

Ayon sa pari, ang muling pagkabuhay ni Kristo ang patunay na mananaig ang pag-asa sa kabila ng anumang pagsubok.

“The suffering and death of our Lord Jesus Christ remind us that darkness and despair do not have the final word. Christ’s resurrection from the tomb signifies new life, triumphing over darkness, conflict, and despair,” dagdag pa ni Fr. Bellen.

Sa loob ng 57 taon, patuloy na nagsisilbing tanglaw ng pananampalataya at katotohanan ang Radio Veritas, na may paninindigang ipagpatuloy ang paglilingkod sa sambayanan.

“Today, we reaffirm our mission… to be the light in confusion, a voice of peace in division, and a witness of hope in trials,” saad ng pari.

Sa kabila ng iba’t ibang hamon sa lipunan, nananatiling buo ang tiwala ng himpilan na patuloy itong gagabayan ng Diyos tungo sa pagbabagong may pag-asa at tagumpay.

Itinatag ang Radio Veritas kasunod ng pagpupulong ng mga obispo mula sa Asya at Oceania noong December 10, 1958 sa University of Santo Tomas, na may layuning magtatag ng isang himpilang Katoliko para sa ebanghelisasyon at paghahatid ng balita.

Pormal itong binuksan noong April 11, 1969 sa Fairview, Quezon City, sa pangunguna nina Cardinal Antonio Samorè na kinatawan noon ng Vatican at Manila Archbishop Rufino Cardinal Santos. Noong 1970, binisita at binasbasan ni noo’y santo papa St. Paul VI ang estasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 65,526 total reads

 65,526 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 98,097 total reads

 98,097 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 199,923 total reads

 199,923 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 240,481 total reads

 240,481 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 258,269 total reads

 258,269 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top