Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,475 total views

Homiliya para sa Martes Santo, 31 Marso 2026, Jn 13:21-33, 36-38

Nang sabihin ni Hesus na may isa sa kanila na magtataksil sa kanya, para na rin niyang inanunsyo na nagsimula na ang matinding labanan na kailangan niyang harapin sa mga susunod na araw. Pero ang kalaban niya ay hindi ang mga otoridad, hindi si Pilato, hindi rin ang mga punong saserdote na matagal nang nagplanong iligpit siya. Hindi rin si Judas Iscariote. Kung hindi sila, sino? Si Satanas.

Noong una, akala ko ang itinuturo ni Hesus na paraan ng pakikipaglaban ay katulad ng pilosopiya ng Aikido ng mga Hapones. Akala ko iyon ang tinutukoy na paraan ng ating unang pagbasa tungkol “Mahiwagang Lingkod ng Diyos”—na parang nagpapahayag ng hinaing. Para daw siyang espadang kabilaan ang talim, o isang matulis na pana na bagong hasa, pero imbes na gamitin na panlaban sa kaaway ay itinago.

Kaya ko naisip ang Aikido, dahil ang prinsipyo ng martial arts na ito ay hindi upang manakit kundi ang matutong umilag sa mga suntok o pag-atake ng kalaban. Parang sayaw ang Aikido. May disiplina. Inuunahan ang kalaban, pinakikiramdaman kung ano ang susunod niyang hakbang. Dapat maliksi sa pag-iwas sa pagsugod ng kalaban. Na kung ibig mo siyang talunin, hayaan mo lang siyang bumagsak sa sariling bigat niya. Pagharap sa karahasan sa paraang hindi gumagamit ng dahas. Minsan tinatawag ito na “active nonviolence” sa Ingles.

Mukhang mas radikal pa kaysa Aikido ang itinuturo ni Hesus sa kanyang mga alagad. Pati ang kalaban dapat daw mahalin. Ibig sabihin, kahit kailan huwag hangarin ang pagkasira ng sinumang tao, kahit iyung nakasakit sa iyo. Consistent si Hesus sa paniwala niyang walang taong likas na masama. Na lahat tayo ay likas na mabuti pero puwedeng mahulog sa bitag ni Satanas at makagawa ng masama.

Kaya ang tunay na kalaban para kay Hesus ay ang katunggali na hindi nakikita. Sabi ni San Juan sa ebanghelyo, “Pagkatanggap ni Judas ng tinapay kay Jesus, sinaniban siya ni Satanas.” Pagtataksilan na nga siya, iniisip pa rin niya ang kakailanganing pamatid-gutom ni Judas paglabas niya. Ang panlaban ni Jesus sa kataksilan ay pag-ibig na walang kundisyon, hindi takot masaktan, handang magpatawad at naghahangad ng kaligtasan—hindi lang para sa mga mabubuti at mababait kundi higit sa lahat sa mga naliligaw ng landas at nalilinlang ng tunay na kalaban. Ang pantubos niya ay buhay niya.

Kaya pala hindi tayo tinuruan ni Jesus na itakwil ang sinuman, maging ang mga taong may atraso sa atin. Isang kaaway lang ang itinuro niyang itakwil natin: si Satanas, ang kanyang mga hungkag naliligaw pangako, at ang pang-aakit sa masama.

Sana isaisip natin ito habang humaharap tayo sa malalaking hamon sa ating panahon—ang hamon ng pagbabalik sa uso ng prinsipyong matira ang matibay, ang pamamayani ng lakas ng dahas na nagdudulot ng matinding kaguluhan at pagdurusa sa napakaraming mga tao. Gayundin ang pagharap natin sa hamon ng korapsyon at pananaig ng politika ng pagpapatron.

Sa mga darating na araw, matuto tayo sa mga aral na ituturo ng ating guro sa disipina ng labanan na espiritwal. Ibang klaseng talino, ibang klaseng lakas ang dulot ng Espiritu Santong kaloob niya sa atin. Kaya pala sinabi niya kay Pedro, “Sa ngayon, hindi pa ninyo ako masundan sa aking paroroonan, pero sa kalaunan, masusundan nyo rin ako.” Hindi pa, dahil kailangan pa niyang isugo ang tunay natin panlaban at patnubay: ang Espiritu Santo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 13,425 total views

 13,425 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 41,989 total views

 41,989 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 92,003 total views

 92,003 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 87,429 total views

 87,429 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 121,955 total views

 121,955 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 6,870 total views

 6,870 total views Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 70,903 total views

 70,903 total views Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »

ANG SUGO AT NAGSUGO

 21,186 total views

 21,186 total views Homiliya para sa Miyerkoles sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, 29 Abril 2026, Juan 12:44-50 “Ang naniniwala sa akin ay naniniwala sa nagsugo

Read More »

BAHALA KA

 25,057 total views

 25,057 total views Homily for Good Shepherd Sunday (World Day of Vocations) 25 April 2026, John 10:1–10 We gather this evening for this Vigil Mass of

Read More »
Scroll to Top