Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,239 total reads

Homiliya para sa Miyerkoles Santo, 1 Abril 2026, Mat 26:14-25

Kagabi, nagbigay ako ng rekoleksyon tungkol sa apat na tula ni propeta Isaias tungkol sa tinatawag kong Mahiwagang Lingkod. Apat na tula na hindi pinapalitan o binabago sa mga pagbasa taon-taon tuwing Holy Week: iyung una—binabasa tuwing Lunes Santo (42:1-7), ang pangalawa—tuwing Martes Santo (49:1-6), ang pang-apat naman ay sa Biyernes Santo (53:1-12). Ang pangatlo ay ngayon Miyerkoles Santo (50:4-9).

Itong apat na ito ang naging pundasyon ng pagsusumikap ng mga unang alagad na mabigyang kahulugan ang pagdurusa at kamatayan sa krus ni Jesus Nazareno, kahit wala siyang kasalanan. Hindi na parusa o pagsubok ang tingin sa pagdurusa sa mga panulat na ito ng propeta, kundi kakaibang paraan ng pagliligtas: redemptive suffering o pagdurusang tumutubos.

Ang mga kuwentong superheroes kadalasan ay kuwentong pagliligtas. Mamamagitan ang superhero para hindi mapahamak ang ililigtas niya. Pero siya mismo, hindi naman napapahamak. Dito kakaiba ang paraan ni Hesus, na naunawaan ng mga unang Kristiyano bilang katuparan ng paraan ng pagliligtas ng Mahiwagang Lingkod. May kapalit ang kaligtasan ng inililigtas—ang pagkapahamak ng nagliligtas. Ang tawag natin dito sa Tagalog ay pagtubos. Sariling buhay ang kapalit bilang pantubos sa minamahal.

Magpahanggang ngayon, parang ito ang napaka-hirap unawain at tanggapin tungkol sa paraan ni Kristo. Malinaw na malinaw ito lalo na sa konteksto ng nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Walang gustong magpaubaya o magbigay. Para sa America, kung susunod ang Iran sa 15 kundisyon ni Trump, ititigil nila ang giyera. Para sa Iran, sila ang inatake, at ang pag-atake nila at pagsara sa Strait of Hormuz ay ganti lang nila sa ginawa sa kanila. Titigil sila at bubuksan ang strait of Hormus kung aamin ang Amerika at Israel sa pagkakamali nila, kung pagbabayaran nila ang idinulot na perwisyo sa bansa nila.

Tatlong relihiyon ang sakangkot sa giyerang ito: Hudyo, Kristiyano, at Muslim—na kung tutuusin ay pare-pareho ang pinagmulan , kaya tinatawag na Abrahamic faiths, o pananampalatayang nagmula kay Abraham. Pero kakaiba ang tinig ni Papa Leon nitong mga nagdaang araw. Sabi niya, “Hindi pwedeng gamitin ang relihiyon bilang justification sa giyera. Paglapastangan sa ngalan ng Diyos ang paggamit sa Diyos bilang justification ng giyera.” Sabi pa niya, “Ang panalangin ng mga taong walang makitang ibang solusyon sa hidwaan kundi giyera ay hindi pakikinggan ng Diyos, dahil may bahid na dugo ang mga kamay nila.”

Ayon kay San Juan, batay sa kanyang kuwento ng pasyon, mulat daw si Hesus sa nangyayari sa kanya. Pero nanindigan pa rin siya, hindi umatras. Alam niyang ipagkakanulo siya, ipapaaresto at papatawan ng parusang bitay, pero hindi siya umalma o lumaban. Hindi rin niya pinayagan ang mga alagad niya na gumamit ng armas para ipagtanggol ang sarili.

Tama si San Pablo sa pangaral niya sa mga Kristiyano sa Roma: “Idalangin ninyo sa Diyos na pagpalain niya, kahit ang mga umuusig sa inyo. Pagpalain n’yo sila sa halip na sumpain. Makigalak sa mga nagagalak, makipagluksa sa nga nagluluksa… Huwag gantihan ng masama ang masama. Talunin ang kasamaan sa pamamagitan ng kabutihan.” (Rom 12:9-17)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 66,457 total reads

 66,457 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 98,887 total reads

 98,887 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 200,713 total reads

 200,713 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 241,271 total reads

 241,271 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 259,022 total reads

 259,022 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 12,466 total reads

 12,466 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »

THE SAINTS OF FRANCE COME ALIVE

 10,755 total reads

 10,755 total reads One of the most beautiful moments of Pope Leo’s visit to France was the spectacular presentation at the Stade de France, where some

Read More »

FOLLOWING POPE LEO IN FRANCE

 9,724 total reads

 9,724 total reads I have been following with great interest the news and social media posts on Pope Leo XIV’s Apostolic Visit to France. I must

Read More »
Scroll to Top