Pag-asa, hatid ng muling pagkabuhay ni Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,104 total reads

Binigyang-diin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mensahe ng pag-asa ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, lalo na para sa mga Pilipinong seafarers at kanilang mga pamilya na patuloy na humaharap sa panganib at hirap ng buhay.

Ayon sa obispo, hatid ni Hesus sa sanlibutan ang liwanag na magiging gabay sa paglalakbay ng mga mamamayan.

“The empty tomb is God’s promise that suffering does not have the final word. No matter how heavy the burden, no matter how far the distance, new life will always rise,” ayon kay Bishop Santos.

Kinilala ng obispo ang pangamba ng mga marino na naglalayag sa gitna ng umiigting na tensyon lalo sa Middle East.

“Many of you sail through these regions, carrying not only goods but also the silent burden of worry for your safety,” ani ng obispo.

Dagdag pa ni Bishop Santos hindi rin ligtas sa pagsubok ang mga pamilyang naiwan sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng gastusin kasunod ng mga tensyong nangyayari sa Middle East na nakakaapekto sa larangan ng ekonomiya.

“The rising cost of living places heavy pressure on your families back home, who endure daily struggles with courage and faith,” pahayag ni Bishop Santos.

Sa kabila nito, tiniyak ng obispo na hindi pinababayaan ng Diyos ang Kanyang bayan.

Hinimok din ni Bishop Santos ang lahat na manatiling matatag sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig sa gitna ng mga pagsubok, kasabay ng panalangin para sa kapayapaan sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 98,730 total reads

 98,730 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 149,094 total reads

 149,094 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 277,778 total reads

 277,778 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 363,164 total reads

 363,164 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 421,658 total reads

 421,658 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top