Nangyaring animal abuse sa isang parokya sa Diocese of Kalookan, ikinabahala ng isang Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,809 total reads

Nagpahayag ng pagkabahala ang makakalikasang pari na si Fr. Warren Puno, kasunod ng insidente ng animal abuse sa isinagawang “Salubong” noong Linggo ng Pagkabuhay sa Diocesan Shrine and Parish of the Immaculate Concepcion sa Malabon City.

Ayon kay Fr. Puno, na siyang convenor ng Quezon for Environment (QUEEN) at direktor ng Ministry on Ecology ng Diocese of Lucena, hindi angkop ang nasabing insidente sa diwa ng pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Kristo.

Binigyang-diin ng pari na bagama’t may mabuting layunin ang paggamit ng kalapati bilang simbolo ng kapayapaan at pag-asa, mahalagang isaalang-alang ang kapakanan ng lahat ng nilikha ng Diyos.

“Nauunawaan natin na ang paggamit ng kalapati ay may layuning magpahayag ng isang magandang simbolo ng kapayapaan at pag-asa, subalit paalala rin ito sa atin na ang ating pananampalataya ay dapat laging nakaugat hindi lamang sa tradisyon, kundi pati sa habag at malasakit sa lahat ng nilikha ng Diyos,” pahayag ni Fr. Puno sa panayam ng Radyo Veritas.

Lumabas sa mga ulat na ang kalapati na ginamit sa seremonya upang alisin ang itim na belo ng Mahal na Birheng Maria ay itinali ang mga pakpak at ikinabit pa sa mga lobo, bagay na umani ng batikos mula sa animal welfare advocates.

Ayon sa Animal Kingdom Foundation, ang ibon ay mistulang pinilit manatiling nakaunat ang mga pakpak at hindi makalipad, na maaaring nagdulot ng hirap o discomfort sa hayop.

“Supposed to symbolize hope and resurrection, yet forced, restrained, and unable to fly,” saad ng Animal Kingdom Foundation.

Kaugnay nito, hinimok ni Fr. Puno ang mga mananampalataya na suriin ang mga tradisyon upang matiyak na nagpapakita ang mga ito ng paggalang sa buhay at dignidad ng bawat nilalang.

Umaasa ang pari na magsilbing paanyaya ang insidente upang higit na maipamalas sa mga susunod na pagdiriwang ang pananampalatayang makakalikasan at may malasakit sa kapwa nilikha.

“Nawa’y magsilbi itong paanyaya sa lahat na sa ating mga susunod na pagdiriwang, higit nating maipakita ang isang pananampalatayang hindi lamang magandang selebrasyon, kundi tunay ding maawain, mapagkalinga, makakalikasan at makadiyos,” ayon kay Fr. Puno.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 232,512 total reads

 232,512 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 264,243 total reads

 264,243 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 366,067 total reads

 366,067 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 406,630 total reads

 406,630 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 417,697 total reads

 417,697 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 143,426 total reads

 143,426 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top