Debosyon sa Our Lady of Manaoag, tugon sa lumalalang kultura ng kasinungalingan at manipulasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,781 total views

Iginiit ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Manaoag ay mahalagang tugon sa lumalalang kultura ng kasinungalingan at manipulasyon sa lipunan.

Ito ang pahayag ng arsobispo sa ginanap na press conference sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag, nitong April 7 kaugnay sa paghahanda sa 100th canonical coronation anniversary ng Birhen ng Manaoag.

Babala ni Archbishop Villegas ang paglaganap ng fake news at magkakasalungat na paniniwala na humihingi ng tiwala ng publiko.

“There is only one voice that is necessary, and that is the voice of God, that is the voice of truth,” ayon kay Archbishop Villegas.

Binigyang-diin ni Archbishop Villegas na ang Manaoag ay nagsisilbing tinig na nag-aanyaya na pakinggan ang tinig ng katotohanan na nagmumula sa Diyos.

“Manaoag and the devotion to Our Lady of Manaoag are among our antidotes to the culture of fake news, to the culture of manipulating public beliefs and public perception,” ani ng arsobispo.

Iginiit ng arsobispo na sa gitna ng digmaan at karahasan sa mundo, ang mensahe ng isang ina, ang lambing, habag at awa, ang tunay na lunas.

“We should not be afraid to be merciful… because mercy, compassion, and tenderness are qualities of strong people,” ani Archbishop Villegas.

Hinimok din nito ang mga mananampalataya na palalimin ang buhay-pananalangin at iginiit na ang kapayapaan ay makakamtan lamang sa pamamagitan ng Diyos.

“If there is to be peace, it will come from God through the hands of Our Lady,” dagdag pa ng arsobispo.

Sa paggunita sa ika-100 anibersaryo ng canonical coronation ng Birhen ng Manaoag sa April 22, 2026, binigyang-diin ni Archbishop Villegas na ang panawagan ng Manaoag ay para sa katotohanan, habag at kapayapaan—hindi lamang para sa Pilipinas kundi para sa buong mundo.

Ilan sa mga nakatakdang gawain para sa pagdiriwang ang muling pagtatalaga ng dambana sa April 21 sa alas 4 ng hapon na pangungunahan ni Archbishop Villegas, habang sa April 22 ng alas 9 ng umaga isasagawa ang reenactment ng pagpuputong ng korona sa Birhen na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, at sa alas 4 ng hapon naman ang pontifical mass na susundan ng prosesyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 31,613 total views

 31,613 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 61,836 total views

 61,836 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 88,487 total views

 88,487 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 183,460 total views

 183,460 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 202,586 total views

 202,586 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top