3,153 total views
Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability. Hinahanap natin kung sino ang nagkukulang., sino ang may pananagutan.
Pero ang katotohanan, unti-unti nang namamatay ang tinatawag na accountability sa Pilipinas!
Bakit? dahil nakatutok lagi tayong mga Pilipino sa mga executor, nakalimutan nating alamin kung sino-sino ang mga authors ng mga ipinapatupad na batas. Meron nang pattern., palagi nating nakikita kung sino ang pumirma sa batas, nakaligtaan nating silipin kung sino-sino ang sumulat, gumawa ng palpak na batas behind closed doors.
Sa paulit-ulit na krisis na ating pinapasan mga Pilipino dulot ng hindi mapigilang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, sino ang dapat sisihin? Sisihin natin ang away ng Amerika at Iran na nagresulta sa digmaan sa Middle East?
Sa totoo lang Kapanalig, hindi natin sana masyadong maramdaman ang bigat ng epekto ng kaguluhan sa Middle East kung wala ang RA 8479 o Oil Industry Deregulation Act. Dahil sa Oil Deregulation Law, hindi mapipigilan ang mga kumpanya ng langis na magtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo kahit sobra-sobra pa ang kanilang buffer stocks. Dahil sa Oil Deregulation law, pinapayagan ang mga kumpanya ng langis na magpatupad ng oil price hike.
Dahil sa Oil Deregulation law na nilagdaang batas ng dating pangulong Fidel V. Ramos dahil sa matinding pressure sa World Bank., walang kontrol ang estado o gobyerno na pangasiwaan ang presyuhan ng mga produktong petrolyo.
Sa tuwing may oil crisis sa Middle East, nagkukumahog na naman ang mga mambabatas na i-repeal o lusawin na ang Oil Deregulation law na nagpapaghirap sa ating mga Pilipino. Sa gitna ng krisis, nakalimutan na naman natin kung sino-sino ang nagpanukala at nagpasa ng batas sa Kongreso bago malagdaang batas ng pangulo ng Pilipinas.
Kapanalig, bago ang RA 8479, mayroong Oil Price Stabilization Fund-isang government managed budget allocation., ang OPSF ang sumasagot sa anumang pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo na ipapatupad ng mga kumpanya ng langis. Dahil sa OPSF, hindi maaring magpatupad ng anumang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ng hindi dumadaan sa public hearings. Ang problema, ayaw ng mga kumpanya ng langis na maging mabagal at maliit lang ang kanilang kita kaya ginamit ang pera upang maisabatas ang Oil Deregulation law., ang dahilan, upang payagan daw ang pagpasok ng mga maliliit na oil industry players na dating kontrolada ng tatlong oil cartel na PETRON, CALTEX at SHELL.
Mayroong apat na dahilan sa deregulations ng oil industry: 1. To stabilize and provide reasonable prices 2.To encourage competition 3. To encourage investments 4. To remove cross-product subsidies. Ano ang nangyari Kapanalig? Sa kasalukuyan, pinaplantsa ng kongreso ang “BAYANIHAN 3” supplemental budget na nagkakahalaga ng 400-bilyong piso. Ito ang kanilang sagot upang matugunan ang matinding epekto ng oil crisis na likha ng digmaan ng IRAN at Amerika sa ekonomiya ng Pilipinas.
Isa lang malinaw Kapanalig, ang mga dinaranas nating kahirapan mga Pilipino ay dulot ng mga palpak na batas ng ating mga mambabatas na hanggang sa kasalukuyan ay walang accountability.
Ipinapaalala sa ating makasalanan Kapanalig ng CORINTHIANS 5:10 na “For we must all appear before the judgment seat of Christ, so that each of us may receive what is due us for the things done while in the body, whether good or bad.”
Sumainyo ang Katotohanan.






