Mananampalataya, inaanyayahang makibahagi sa Inang Magayon 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,847 total reads

Inanunsyo ng Diyosesis ng Legazpi ang pagdiriwang ng Inang Magayon 2026 na nakatakda sa Mayo 1, 2026 bilang bahagi ng patuloy na tradisyon at debosyon kay Nuestra Señora de Salvacion, bilang Makalangit na Reyna at Patrona ng Albay.

Sa Diocesan Circular No. 10 na inilabas ni Legazpi Bishop Joel Baylon ay inaanyayahan ng Obispo ang mga mananampalataya na makibahagi sa mga gawain, kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng pagdiriwang na nakasentro sa pananampalataya.

Isasagawa ang pagdiriwang ngayong taon bilang bahagi na rin ng Diamond Jubilee ng Diocese of Legazpi, na itinuturing ding Marian Jubilee na isang natatanging panahon ng biyaya para sa lokal na Simbahan.

Sa diwa ng Year of Mission, inaanyayahan ng diyosesis ang lahat na magkaisa bilang isang sambayanan sa pananalangin para sa kapayapaan, paghahandog ng sakripisyo, at panibagong pagtatalaga sa pamumuhay at pagbabahagi ng Ebanghelyo.

Nilinaw din ni Bishop Baylon na ang pagdiriwang ay naiiba sa Magayon Festival, sapagkat ito ay nakatuon sa panalangin at debosyon kay Maria.

Tema ng pagdiriwang ng Inang Magayon 2026 ang “Maria: Kalakbay sa Misyon, Bitoon nin Ebanghelisasyon,” na layunin isulong ang mahalagang papel na ginagampanan ng Mahal na Ina bilang gabay ng mga mananampalataya tungo kay Kristo.

Ang pagdiriwang ngayong taon ay magkatuwang na inorganisa ng Diyosesis ng Legazpi katuwang ang The Pilgrim Village Foundation, Inc., at Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Salvation.

Inaanyayahan din ang publiko na makiisa sa mga gawain sa Mayo 1, 2026 at sa “Visita Salvacion” na isasagawa sa buong buwan bilang bahagi ng debosyon.

Attached Diocese of Legazpi Diocesan Circular:

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 46,134 total reads

 46,134 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 95,961 total reads

 95,961 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 143,832 total reads

 143,832 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 247,781 total reads

 247,781 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 331,539 total reads

 331,539 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top