Unang taong death anniversary ni Pope Francis, ginunita ng simbahang katolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,484 total reads

Ginunita ng Simbahang Katolika ngayong araw Abril 21 ang unang anibersaryo ng pagpanaw ni Pope Francis.

Pumanaw ang dating Santo Papa noong Easter Monday, Abril 21, 2025, sa edad na 88 sa Casa Santa Marta sa loob ng Vatican City.

Sa loob ng 12 taong pamumuno mula nang mahalal noong March 13, 2013, kinilala si Pope Francis sa kanyang mapagkumbabang paglilingkod at makataong pamumuno sa Simbahang Katolika.

Patuloy ring inaalala ng mga mananampalataya ang kanyang mgga naiwang pamana ng malalim na pagmamalasakit sa kapwaa lalo na sa mahihirap, pagsusulong ng kapayapaan, at pagpapalalim ng pananampalataya sa buong mundo.

Samantala, nagdaos din ng banal na Misa sa Casa Santa Marta bilang paggunita sa unang anibersaryo ng pagpanaw ni Pope Francis.

Pinangunahan ang pagdiriwang ng banal na misa ni Archbishop Luigi Travaglino, kung saan binigyang-diin ng Arsobispo ang patuloy na presensya at alaala ng yumaong Santo Papa sa puso ng Simbahan.

Sa pagninilay ni Cardinal Angelo Acerbi, inalala ng Cardinal ang tapang at dedikasyon ni Pope Francis sa paglilingkod bilang pinuno ng Simbahang Katolika sa kabila ng karamdaman.

Bahagi rin ng paggunita sa dating Santo Papa ang pananalangin at Misa sa Basilica of Saint Mary Major kung saan may malalim na debosyon si Pope Francis at kung saan siya inilibing.

Patuloy namang inaanyayahan ang mga mananampalataya na ipanalangin ang kaluluwa ng dating Santo Papa.

Matatandaang makasaysayan rin ang naging personal na pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas noong January 15 to 19, 2015 na may temang ang “Mercy and Compassion” na layuning personal na makita, makasalamuha, madamayan at mabigyan ng inspirasyon sa muling bumangon ang mga nasalanta ng Super Typhoon Yolanda na tumama sa Eastern Visayas noong Nobyembre ng taong 2013.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 210,256 total reads

 210,256 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 244,929 total reads

 244,929 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 260,829 total reads

 260,829 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 297,319 total reads

 297,319 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 303,428 total reads

 303,428 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 46,465 total reads

 46,465 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top