Palabas ba ang giyera kontra droga?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 216,049 total reads

Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong isang linggo, muling ibinahagi ni dating Senador Antonio Trillanes ang akusasyon niya laban sa pamilya Duterte na may kaugnayan sila sa sindikato ng droga. 

Ano kaya ang nararamdaman ng libu-libong naulila ng mga biktima ng madugong giyera kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa akusasyong ito?

Ayon kay Trillanes, mahigit 181 milyong piso ang ibinigay sa pamilya Duterte ng diumano’y drug lord na si Samuel Uy, isang negosyante mula sa Davao. Sa halagang ito, 22 milyong piso ang ibinigay kay VP Sara, halos 52 milyong piso kay Davao City Mayor Sebastian Duterte, halos 39 milyong piso kay Davao City First District Representative Paolo Duterte, at 53 milyong piso kay Kitty Duterte at sa kanyang ina. Labinlimang milyong piso naman ang ibinigay umano kay dating Pangulong Duterte. Isa si Samuel Uy sa mga top campaign donors ni Pangulong Duterte noong tumakbo ito sa pagkapresidente. 

Dagdag ni Trillanes, may joint bank accounts sina VP Sara at ang kanyang ama, kung saan halos dalawang bilyong piso ang pumasok na pera mula 2003 hanggang 2016. Gayundin, may mahigit 110 milyong pisong transaksyon sa joint account naman nina VP Sara at asawang si Mans Carpio. Lahat ng ito ay hindi raw idineklara ni VP Sara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Kung totoo, paglabag ito sa Saligang Batas at tiwala ng taumbayan. Maituturing itong ground for impeachment

Bilyun-bilyong piso ang pinag-uusapan sa paratang ni Trillanes sa pamilyang Duterte at  iniuugnay ang mga ito sa droga, na sentro ng kampanyang binitbit ng administrasyon ng dating pangulo. Sa opisyal na tala ng pamahalaan, nasa anim na libo ang napatay o sadyang pinatay sa mga anti-drug operations ng kapulisan. Pero ayon sa mga human rights groups, nasa tatlumpung libo ang biktima ng giyera kontra droga, kasama ang mga extra judicial killings

Noong Huwebes lang, kinumpira ng International Criminal Court Pre-Trial Chamber ang tatlong kaso laban kay dating Pangulong Duterte. Ibig sabihin, nakita nilang mayroong substantial grounds upang dinggin ng ICC ang mga pagpatay na iniuugnay sa kanya dahil na rin sa inilunsad niyang giyera kontra droga. 

Nakaririmarim ang larawang iginuguhit ng mga pangyayari. Kung mapatutunayan, nakinabang ang pamilya Duterte mula sa maruming pera ng iligal na droga habang kinakatay ang maliliit na taong pinaghihinalaang sangkot sa droga. Dumanak ang dugo ng mahihirap at napuno ng takot ang mga komunidad habang nagpapakasasà sila sa maruming kayamanan. Hindi kaya palabas lang ang giyera kontra droga kung saan naging tiket ang buhay ng maraming Pilipino? 

Patuloy ang hamon sa ating mga Kristiyano na alamin at isulong ang katotohanan. Katotohanan ang tunay na magpapalaya sa atin. Kakabit nito ang katarungan o ang pagkakaloob ng nararapat sa bawat tao. Ang katarungan ay pagkilala sa dignidad ng tao, at hindi ito makakamit kung may lamat ang ugnayan natin sa isa’t isa. Panghuli, ang katotohanan at katarungan ay nagmumula sa pag-ibig sa Diyos at sa kapwa. Hinahamon tayo ng pag-ibig na ito na lumabas sa ating mga sarili nang ang katotohanan at katarungan ay lumaganap. 

Mga Kapanalig, hindi “dadaloy ang katarungan” na tinutukoy sa Amos 5:24 hangga’t hindi natin nalalaman ang katotohanan sa likod ng akusasyon sa ating mga lider at hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang mga biktima ng giyera kontra droga. Sikapin nating maging mapagmahal tayong lipunan sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan at paggawad ng katarungan sa mga pinatay. Tapusin na natin ang palabas ng mga naghahari-harian sa ating bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mas malusog na Pilipino?

 27,020 total reads

 27,020 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 59,166 total reads

 59,166 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 125,221 total reads

 125,221 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 144,524 total reads

 144,524 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 221,494 total reads

 221,494 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mas malusog na Pilipino?

 27,021 total reads

 27,021 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 59,167 total reads

 59,167 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 125,222 total reads

 125,222 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 144,525 total reads

 144,525 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »
Scroll to Top