Cardinal David, nababahala sa lumalawak na digmaan sa Gitnang Silangan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,133 total reads

Nagpahayag ng matinding pagkabahala si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David sa patuloy na paglawak ng digmaan sa Middle East, lalo na sa panganib na kinakaharap ng mga sibilyan at milyun-milyong Pilipinong nagtatrabaho sa mga bansang apektado ng labanan.

Sa isang mensaheng inilathala ng Obispo sa kanyang personal na Facebook account na may titulong “WHEN WAR SPREADS, WHO IS SAFE?”, sinabi ni Cardinal David na ang lumalawak na tensiyon sa pagitan ng Iran, United States at Israel ay nagdudulot ng panganib hindi lamang sa mga bansang direktang sangkot kundi maging sa kanilang mga karatig-bansa.

Kabilang sa kanyang pangamba ang kaligtasan ng tinatayang 2.35 milyong Pilipino sa anim na Gulf states na kinabibilangan ng United Arab Emirates, Saudi Arabia, Qatar, Kuwait, Bahrain at Oman na ayon sa datos ay patuloy na nagtatrabaho roon upang suportahan ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

“These are our fellow Filipinos who have left their families behind to earn a living abroad. Their safety and welfare must remain a priority for our government.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal David.

Ipinahayag din ng kardinal ang kanyang pagkabahala sa patuloy na pagdurusa ng mga sibilyan sa Gaza at Lebanon.

Ayon sa kanya, hindi sapat ang mga tigil-putukan kung patuloy pa ring nalalagay sa panganib ang buhay ng mga ordinaryong mamamayan.

“How much more suffering must ordinary people endure before the parties involved seriously commit themselves to peace?” Dagdag pa ni Cardinal David.

Personal ding binanggit ni Cardinal David ang kanyang nakatakdang paglalakbay patungong Rome sa Oktubre na dadaan sa United Arab Emirates, dahilan upang higit niyang maramdaman ang panganib na kinakaharap ng mga biyahero at mamamayan sa rehiyon.

Samantala, nanawagan din si Cardinal David sa mga lider ng mga bansang sangkot sa tunggalian na itigil ang mapanganib na labanan at bumalik sa diplomasya at negosasyon.

“Peace cannot be achieved simply by developing more sophisticated weapons or by threatening one another with greater destruction.” Ayon pa kay Cardinal David.

Binigyang-diin ng Cardinal na nakataya sa digmaan ang buhay ng milyun-milyong inosenteng tao, kabilang ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Gitnang Silangan.

“We cannot afford to leave their future to the logic of war, much less to machines that may one day operate beyond our capacity to understand and control them.” Ani Cardinal David.

Sa gitna ng lumalawak na tunggalian, muling ipinapaalala ng Kardinal na ang pagtataguyod ng kapayapaan ay nangangailangan hindi lamang ng paghinto ng karahasan kundi ng pagpapahalaga sa buhay at dignidad ng bawat tao, lalo na ng mga sibilyang unang naaapektuhan ng digmaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 36,811 total reads

 36,811 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 72,631 total reads

 72,631 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 298,901 total reads

 298,901 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 192,369 total reads

 192,369 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 284,429 total reads

 284,429 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top