Parokya, paaralan at religious communities, hinimok na akayin ang mga bata na makiisa sa “1 million children praying the Holy Rosary”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,466 total reads

Hinimok ng Diocese of Sorsogon ang mga parokya, paaralan, religious communities, at iba pang ecclesial communities na hikayatin ang mga bata at kabataan na makiisa sa “One Million Children Praying the Holy Rosary.”

Itinakda ng Aid to the Church in Need (ACN) Philippines ang taunang inisyatiba sa October 7 kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo.

Sa liham sirkular ni Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo, hinihikayat ang mga parokya at paaralan na magsagawa ng sama-samang pagdarasal ng Santo Rosaryo.

Ayon sa obispo, layunin ng pandaigdigang panalangin na pagbuklurin ang mga bata mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa paghingi ng kapayapaan para sa mga pamilya, komunidad, Simbahan at buong mundo.

“I particularly commend this initiative to our children and young people, who, through their simple and sincere prayer, can become true little pilgrims of hope, bringing the light of Christ and the peace of God to our families and to our troubled world,” ayon kay Bishop Dialogo.

Hinimok din ng obispo ang mga kabataan na muling tuklasin ang kagandahan ng Santo Rosaryo bilang panalangin ng pagmumuni-muni, pagtitiwala at pakikipagkaisa sa Mahal na Birheng Maria.
Isasagawa ang pangunahing pagdiriwang ng ACN sa San Sebastian Cathedral School of Tarlac sa Diocese of Tarlac, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-11:30 ng umaga.

Hinihikayat ang mga parokya, paaralan at komunidad na magsagawa ng kani-kanilang pagtitipon para sa sama-samang pagdarasal, habang maaaring makiisa online ang mga hindi makadadalo nang personal.

Hinikayat ni Bishop Dialogo ang mga mananampalataya na makiisa sa milyun-milyong bata sa buong mundo sa pag-aalay ng kanilang mga panalangin para sa kapayapaan sa pamamatnubay ng maka-inang pagkalinga ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 52,719 total reads

 52,719 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 139,217 total reads

 139,217 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 182,254 total reads

 182,254 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 232,013 total reads

 232,013 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 390,741 total reads

 390,741 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top