12-araw na Apostolic journey ni Pope Leo XIV, isinapubliko ng Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,729 total reads

Isinapubliko ng Vatican ang mga gawain ni Pope Leo XIV sa kanyang 12-araw na Apostolic Journey sa Uruguay, Argentina at Peru.

Nakatakda ang pagbisita ng Santo Papa mula November 6 hanggang 17 kung saan, bukod sa mga gawain, ibinahagi rin ng Holy See ang motto at logo ng bawat pagbisita.

Kabilang sa mga pangunahing gawain ang pakikipagpulong sa mga obispo, kabataan, at iba pang sektor ng lipunan.
Unang bibisitahin ni Pope Leo ang Uruguay sa November 6 hanggang 8, partikular sa Montevideo, Paysandú, at Florida.

Motto ng kanyang pagbisita sa lugar ang “I bring you news of great joy” kung saan ito ang pagkakataong muling madalaw ang lugar sa punong pastol ng simbahang katolika mula ng bisitahin ito ni St Pope John Paul II noong 1988.

Kabilang sa mga nakatakdang gawain ng Santo Papa ang Banal na Misa sa Paysandú at Florida, pakikipagkita sa mga mahihirap na komunidad sa Casavalle, pakikipagkita sa sektor ng edukasyon, at prayer vigil sa Centenary Stadium.

Mula sa Uruguay, tutungo si Pope Leo sa Argentina mula November 8 hanggang 11, kung saan bibisitahin niya ang Buenos Aires, Córdoba at Luján.

Ayon sa Vatican, mahalaga ang pagkakataong ito ng kanyang paglalakbay dahil ang Argentina ang sariling bayan ni Pope Francis at halos apat na dekada na mula nang huling bumisita roon ang isang Santo Papa.

Taglay ng Santo Papa ang motto ng pagbisita sa Argentina na “Welcome everyone. Go and proclaim.”

Kabilang sa programa rito ang pagbisita sa isang federal prison complex sa Buenos Aires, Banal na Misa sa Luján, pakikipagpulong sa mga manggagawa at mga lider ng iba’t ibang Christian communities at religious traditions, gayundin ang prayer vigil kasama ang mga kabataan.

Sa naturang Apostolic Journey, sa Peru ang pinakamahabang yugto na inilaan ng Santo Papa para sa pagbisita na itinakda, mula November 11 hanggang 17, kung saan bibisitahin ng Santo Papa ang Lima, Chiclayo, Cusco at Pucallpa.

May natatanging personal na ugnayan si Pope Leo sa Peru dahil dito siya nagsilbi bilang misyonero at obispo kung saan itinakda ang motto ng kanyang pagbisita sa “Let us open our hearts.”

Kabilang sa mga tampok na gawain ang pakikipagpulong sa mga obispo, pari, relihiyoso, mga synodal team, at pastoral council; prayer vigil kasama ang kabataan; Banal na Misa sa Chiclayo at Pucallpa; pagbisita sa mga komunidad ng mga mamamayan ng Amazon; at pakikipagkita sa mga deboto sa Cusco.

Layunin ng mga pagbisita ni Pope Leo XIV na higit pang mapagtibay ang pananampalataya, makipagtagpo sa iba’t ibang sektor ng lipunan, at palakasin ang misyon ng Simbahan sa Latin America.

Ito ang magiging isa sa pinakamalawak na international apostolic journeys ng Santo Papa, na sasaklaw sa tatlong bansa at sampung lungsod sa loob ng labindalawang araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 38,645 total reads

 38,645 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,380 total reads

 74,380 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 300,650 total reads

 300,650 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 194,118 total reads

 194,118 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 286,071 total reads

 286,071 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top