VP Sara, naging director at stockholder ng kumpanya kahit nakaupong bise-presidente ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,420 total reads

Sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Article 2 sa articles of impeachment na tumatalakay sa ‘unexplained wealth,’ muling humarap si Securities and Exchange Commission (SEC) Director Gerardo Del Rosario sa witness stand.

Sinabi ni Del Rosario na base sa record ng SEC na nakalista pa rin bilang director at stockholder ng Metro City Chow Foods Corporation si Vice President Sara Duterte hanggang 2025.

Ayon sa mga General Information Sheet o GIS ng kumpanya, nanatiling director si Duterte mula 2022 hanggang 2025, matapos siyang mahalal at manungkulan bilang Bise Presidente noong 2022. Nasa 20 porsiyento rin ang kanyang stake sa kumpanya, katumbas ng 500 shares na nagkakahalaga ng ₱50,000.

Lumabas din sa mga dokumento na nakalista si Duterte bilang miyembro ng compensation committee ng kumpanya sa mga filing na iniharap sa korte.

Kasama rin sa mga dokumentong sinuri ang audited financial statements ng Metro City Chow para sa 2024 at 2023. Nakasaad dito na inaprubahan ng board of directors ang mga financial statements noong Marso 31, 2025.

Sa pagtatanong ng mga senator-judge, muling iginiit ni Del Rosario na walang guidelines ang SEC para sitahin ang mga opisyal ng gobyerno na lumabag sa Article VIU ng Section 13 ng 1987 Constitution – o nagbabawal sa sa Pangulo, Bise Presidente, mga miyembro ng Gabinete sa pakikilahok sa negosyo habang nasa puwesto.

Ayon kay Del Rosario, dapat alam ng isang mataas na opisyal ang limitasyong ito at bago manungkulan ay kinakailangang alisin o i-divest ang mga business interest na ipinagbabawal ng Konstitusyon.

“Malinaw naman po sa batas na merong prohibition na dapat sana, alam niya na bilang mataas na opisyal ng gobyerno na pinanumpaan nya nung siya ay nag-swear, act as Vice President na ‘iyon ang kaniyang limitasyon. Kaya dapat sana, bago siya nanumpa, tinanggal na niya o nagdivest na siya,” ayon sa pahayag ni Del Rosario.

Bahagi ito ng paglalahad ng prosecution sa mga rekord ng Metro City Chow Foods Corporation, kung saan nakalista si Duterte bilang director at stockholder habang siya ay Bise Presidente.

Sumunod namang iniharap ng prosecution bilang testigo si PhilGEPS Division Chief Rendell Sopeña, na maglalahad ng mga rekord ng government contracts na may kaugnayan sa mga kumpanyang sinusuri ng prosecution.

Si Sopeña, ang ikatlong testigo ng prosecution para sa article 2 ng articles of impeachment o unexplained wealth na kinakaharap ni VP Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 52,940 total reads

 52,940 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 139,436 total reads

 139,436 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 182,473 total reads

 182,473 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 232,232 total reads

 232,232 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 390,949 total reads

 390,949 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top