Masusing pagsusuri sa Pax Silica, hiling ni Bishop Alminaza

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,889 total reads

Hinimok ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, Pangulo ng Caritas Philippines at Interim Chairperson ng Integral Ecology Ministry, ang masusing pagsusuri sa isinusulong na Pax Silica development, partikular sa magiging epekto nito sa suplay ng tubig at kuryente, kabuhayan ng mga komunidad at kalikasan.

Ayon kay Bishop Alminaza, inilalahad ng pamahalaan ang Pax Silica bilang investment sa artificial intelligence, semiconductors, advanced manufacturing at critical mineral supply chains, ngunit batay sa datos ng Bases Conversion and Development Authority o BCDA, maaaring mangailangan ang planong development sa New Clark City ng 65 hanggang 90 milyong litro ng tubig kada araw at aabot sa tatlong gigawatts ng kuryente kapag ganap na nadevelop.

Sinabi ni Bishop Alminaza na kailangang matukoy kung saan kukunin ang suplay ng tubig, kung magiging sapat ito sa panahon ng matagal na tagtuyot, at kung sino ang bibigyang-prayoridad kapag nagkaroon ng kakulangan, kasama ang pagsusuri sa pinagsama-samang epekto ng proyekto sa mga ilog, watershed, sakahan at mga nakapaligid na komunidad.

“According to BCDA, the proposed development in New Clark City could require approximately 65 million to 90 million liters of water each day, and eventually, around 3 gigawatts of electricity – These are not minor requirements They demand serious public scrutiny in a country already struggling with water stress, energy insecurity, and climate vulnerability – “We must ask, where will the water come from,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Alminaza.

Binigyang-diin naman ni Gerry Arances, Executive Director ng Center for Energy, Ecology, and Development o CEED, na hindi maliit na usapin ang tinatayang tatlong gigawatts na pangangailangan sa kuryente ng Pax Silica, lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng power at energy sector ng bansa.

Ayon kay Arances, posibleng tumaas ang production costs ng mga kumpanyang sasali sa Pax Silica kung sila mismo ang magtatayo ng kanilang power plants, na maaari ring magkaroon ng epekto sa presyo ng kanilang mga produkto gaya ng semiconductors.

Samantala, sinabi ni Arances na kailangang suriin kung makatutulong ang Pax Silica sa energy transition at kung tunay na makikinabang ang bansa sa sarili nitong critical mineral resources, habang binigyang-diin ni Alminaza na hindi pagtutol sa teknolohiya, investment o disenteng trabaho ang kanilang panawagan, kundi ang pagsusulong ng development na transparent, naaayon sa batas, may pakikilahok ng mga apektadong komunidad at isinasaalang-alang ang ecological limits at human rights.

“And why is Pax Silica a major problem for the Philippines, 3 gigawatts of power is not simple, – And most likely, the companies that will actually be investing on Pax Silica will never set up their own plants – Why? Because that would mean increasing yung cost ng kanilang mga produkto whether it is semiconductor, so on and so forth,” ayon pa sa mensahe at panayam kay Arances ng Radyo Veritas.

Pinarating ang mensahe sa isinagawang punong-balitaan nina Bishop Alminaza at Arances upang talakayin ang mga usapin sa Pax Silica, kabilang ang water at energy security, investment, mga komunidad at kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 64,794 total reads

 64,794 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 151,292 total reads

 151,292 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 194,327 total reads

 194,327 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 244,087 total reads

 244,087 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 402,165 total reads

 402,165 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top