Itigil ang pagdanak ng dugo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,305 total views

Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril. 

Mahigit anim na raang residente ang napilitang iwan pansamantala ang kanilang tahanan dahil sa pangyayari. Ayon sa militar, lahat ng namatay ay miyembro umano ng New People’s Army (o NPA). Pero may mga nagsasabing hindi bababa sa lima ang sibilyang nadamay sa military operation. Hindi sila kasapi ng NPA.

Ang una ay si Alyssa Alano, isang student leader mula sa UP Diliman na nagsasagawa noon ng pag-aaral tungkol sa kalagayan ng mga magsasaka sa Negros sa gitna ng malawakang pangangamkam ng lupa at militarisasyon. Ang pangalawa ay si RJ Ledesma, isang community journalist na nakababad sa lugar upang mag-ulat tungkol sa epekto ng renewable energy projects sa mga sakahang komunidad. Ang pangatlo ay si Maureen Santuyo, isang organisador ng mga magsasaka at magbubukid sa Negros Occidental upang ipaglaban ang kanilang karapatan sa lupa. Si Errol Wendel ang pang-apat; isa siyang community researcher na nangangalap ng datos para sa ulat tungkol sa sitwasyon ng mga sakada o mga seasonal workers sa mga plantasyon ng tubó. Isang lokal na magsasaka naman mula sa Toboso, si Roel Sabillo, ang panlima. Nagtatrabaho siya sa negosyo ng kanyang kamag-anak nang nangyari ang operasyon ng mga sundalo.

Hindi sila mga numero lamang. Sila ay naghanapbuhay nang marangal at nagserbisyo sa bayan. Karamihan sa kanila ay piniling manatili sa mga sakahang komunidad upang itaguyod ang karapatan at bigyang-boses ang mga isinasantabi at inaapi sa lipunan. Lahat sila, kasama ang iba pang nasawi sa madugong operasyon, ay may dignidad at karapatang mabuhay.

Hindi na bago ang karumal-dumal na trahedya sa Negros. Ayon sa human rights alliance na KARAPATAN, Negros ang rehiyong may maraming kaso ng extrajudicial killings sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. Sa 135 na mga kaso ng pagpatay mula Hulyo 2022 hanggang Disyembre 2025, 52 ang nangyari doon. Karamihan sa mga pinatay sa Negros ay mga magsasaka at magbubukid.

Kaya nananawagan ang KARAPATAN at iba pang grupo ng agarang imbestigasyon sa mga pagpatay upang mapanagot ang mga maysala. Sa ilalim ng Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity, prayoridad ng pamahalaan ang pagprotekta sa mga sibilyan.

Sa mga kaso ng pagpatay ng pwersa ng gobyerno sa mga sibilyan, paulit-ulit ang nakikita at naririnig nating kwento. Binabansagang komunistang rebelde ang mga biktima; red-tagging ang tawag dito. Wala ring napananagot sa mga pumatay; ito naman ang tinatawag na impunity. Gamit ang fake news, binibigyang-katwiran pa ang pagpatay sa kanila, at ang nakababahala pa, may mga komentong pinagtatawanan at kinukutya pa ang mga biktima at ipinagdidiriwang ang pagpatay sa kanila. Nasaan ang ating konsensya?

Ipinahayag ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na ang armadong tunggalian sa Negros ay nag-ugat sa mga realidad sa sakahan, baybayin, at kabundukan. Nagsimula ito sa kawalan ng lupa ng mga magsasaka sa malalawak na hacienda, sa matinding kahirapan sa mga komunidad na napapaligiran ng kayamanan, sa paulit-ulit na pang-aabuso sa mga manggagawa, sa kawalan ng katarungan para sa mga isinasantabi sa lipunan. Dagdag pa ng obispo, may tunay at makatarungang kapayapaan kung iiral ang hustisya sa lupa at kabuhayan, pakikilahok sa pamamahala, katotohanan at accountability, at pagpapanumbalik sa dignidad ng tao.

Mga Kapanalig, anumang problema o krisis ang nangyayari sa mundo, huwag natin hayaang mawalan tayo ng puso, respeto, at malasakit sa ating kapwa. Gaya ng wika sa Mga Awit 34:14, ating “pagsikapang kamtin ang kapayapaan.” Sa proseso ng pagkamit ng kapayapaang ito, kailangan igawad ang katarungan sa mga biktima. 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 3,306 total views

 3,306 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 27,621 total views

 27,621 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 63,411 total views

 63,411 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 105,260 total views

 105,260 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 158,374 total views

 158,374 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 27,622 total views

 27,622 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 63,412 total views

 63,412 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 105,261 total views

 105,261 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 158,375 total views

 158,375 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »
Scroll to Top