Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 258,826 total views

Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT

Sa kabila ng matinding epekto ng krisis dulot ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo, pagtaas ng inflation rate na pumalo sa 7.2-percent noong nakalipas na Abril 2026 at mahinang ekonomiya ng bansa. Naisahan na naman tayong mga consumer ng gobyerno at MERALCO.

Kapanalig, hindi natin napapansin ngunit na palang ginagawa ng MERALCO ang “pass-through charges” sa ating mga consumer.

Kasama sa pass-through charges ng MERALCO sa ating electricity bills ang 1. Generation 2. Transmission 3. System loss 4. Distribution 5. Senior citizen 6. Government taxes 7. Universal charges 8. Feed‑in Tariff Allowance 9. Green Energy Auction Allowance 10. Senior Citizen Discount, Lifeline Rate discount for 4Ps beneficiaries

Kapanalig, maging ang local franchise tax at 12 VAT ay sa mga consumer ipinapasa ng MERALCO ang bayarin. Di ba lantarang panloloko ito ng MERALCO sa kanyang mga consumer? Ang paliwanag ng MERALCO, matagal na nilang ginagawa ang pass-through charge dahil sa EPIRA o Electric Power Industry Act of 2001.

Kapanalig, hindi dapat tayong mga consumer na hindi na halos makahinga sa sobrang taas ng halaga ng mga bilihin ang pumapasan sa sobra-sobrang singil na mandato ng EPIRA? Hindi dapat ang taumbayan ang sumalo sa life discount kundi ang MERALCO at kanilang shareholders.

Sa ilalim ng Republic Act 9994, ang mga electric company ay maaring mag-claim ng senior citizen discounts bilang tax deductions hindi ipapasan sa consumers.

Kapanalig, ang MERALCO ay notorious sa over-collections sa kanilang mga consumer. Noong 2025, inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang utility firm na i-refund ang 100-bilyong pisong over-collection. Nai-refund lamang ng MERALCO ay 14.17-bilyong piso.

Dahil sa pass-through charges ng MERALCO, iminungkahi sa Senado na muling pag-aralan ang EPIRA. Pinapakilos din ang ERC na magsagawa ng komprehensibong review sa electricity rates at collection ng utility firm na maaring nagkaroon ng “double-counting” ng inflation costs sa electricity bill mula pa noong 2012.

Napaka-palad naman ng MERALCO, walang kalugi-lugi…protektado pa ng batas…

Kapanalig, napaka-importante sa atin na maging mapanuri lalu na sa mga batas at ipinapatupad na polisiya dahil marami sa mga nakatagong nilalaman nito ay pabor sa mga negosyante, hindi sa mamamayan.

Isinasaad sa Catechism of the Catholic Church 2443: “God blesses those who come to the aid of the poor and rebukes those who turn away from them. “Give to him who begs from you, do not refuse him who would borrow from, you received without pay, give without pay”.

Sumainyo ang Katotohanan.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 2,505 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 2,613 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 57,835 total views

 57,835 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 128,720 total views

 128,719 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 160,001 total views

 160,001 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 192,016 total views

 192,016 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 341,208 total views

 341,208 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONFIDENTIAL FUND

 57,837 total views

 57,837 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 128,721 total views

 128,721 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 160,003 total views

 160,003 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 192,018 total views

 192,018 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »
Scroll to Top