Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Philippines, nanawagan sa mga kongresista na gampanan ang tungkulin nang may integridad at pananagutan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,975 total views

Nanawagan ang Caritas Philippines sa mga miyembro ng House of Representatives na gampanan nang may integridad at pananagutan ang kanilang tungkulin kaugnay sa botohan para sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.

Sa inilabas na pahayag ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, hinimok nito ang mga mambabatas na pairalin ang pagtalima sa batas, pagpapanumbalik ng tiwala ng mamamayan sa mga institusyon ng pamahalaan, at pagsusulong ng transparency at accountability sa serbisyo publiko.

“We make this appeal to our duly elected representatives to perform one of their most important constitutional duties and responsibilities in a manner that would show their clear commitment to upholding the rule of law, restoring our faith in public service as a public trust and in our public institutions, and affirming transparency and accountability as valued principles in our society as a whole and in government service in particular.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Ayon kay Bishop Alminaza, ipinapakita ng suporta ng publiko sa impeachment process ang hangarin ng mamamayan na magkaroon ng kapani-paniwala at makatarungang mekanismo upang mapanagot ang mga opisyal ng pamahalaan.

“Our fellow Filipinos see the trial not just to hold the Vice-President accountable, but also as a fair and just process to prove her innocence or guilt based on clear and credible evidence,” Ayon pa kay Bishop Alminaza.

Binigyang-diin din ng Obispo na ang malinaw at mapagkakatiwalaang ebidensya ang dapat manaig sa halip na opinyon ng publiko sa pagdedesisyon ng mga mambabatas.

“We pray that it will precisely be clear and credible evidence that will have greater weight over public opinion in today’s vote,” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Kalakip din sa pahayag ang panawagan ng Obispo na pairalin ang katarungan at kabutihan alinsunod sa mensahe ni Hesus sa tuwinang pananaig ng kapayapaan, kaayusan, at kasaganahan sa lipunan.

Umaasa rin si Bishop Alminaza na maging makasaysayan ang araw ng botohan bilang patunay ng paninindigan ng mga kinatawan ng bayan para sa katotohanan, katarungan, at mapagkumbabang paglilingkod sa sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 62,708 total views

 62,708 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 83,773 total views

 83,773 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 106,795 total views

 106,795 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 144,627 total views

 144,627 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top