Mass for accountability, idinaos sa House of the Representatives People’s Center

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,917 total reads

Bago ang inaasahang pagboto ng mga mambabatas sa Kamara kaugnay ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, idinaos sa People’s Center ng House of Representatives ang isang “Mass for Accountability.”

Sa kanyang homiliya, iginiit ni Fr. Lino Gregorio V. Redoblado, OFM, Minister Provincial ng Franciscan Province of San Pedro Bautista, na ang pagpapahintulot na umusad ang impeachment process ay hindi pa nangangahulugang may hatol ng pagkakasala, kundi bahagi ng lehitimong proseso ng Konstitusyon upang suriin ang mga ebidensya at tiyakin ang due process.

“Impeachment reminds us that no one is above the law, above accountability, above truth, or above the people whom they are called to serve,” ani Fr. Redoblado.

Ayon pa sa pari, na siya ring Chairperson ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), mahalagang manaig ang katotohanan at pairalin ang tapat, matapang, at malinaw na proseso ng batas.

Binigyang-diin din ni Fr. Redoblado na ang usapin ng impeachment ay hindi lamang tungkol sa iisang personalidad, kundi pagkakataon din upang paalalahanan ang lahat ng nasa pampublikong serbisyo tungkol sa kanilang pananagutan sa mamamayan.

“But let us be clear: this is not only about one person. Our prayer is for all those entrusted with public office and public trust — that they may become more accountable, more transparent, more responsible, and more faithful servants of the Filipino people,” dagdag pa nito.

Nanawagan din ang pari sa mga lider ng bansa na pairalin ang konsensya at katotohanan sa halip na magpadala sa takot, impluwensiya ng politika, o pansariling interes.

Ayon kay Fr. Redoblado, hindi dapat nakabatay sa popularidad o kapakinabangan sa pulitika ang katotohanan, kundi sa moral na pananagutan at paglilingkod sa bayan.

“Today, more than ever, our nation needs men and women who will listen not to the voice of fear, political convenience, blind loyalty, pressure, or personal ambition, but to the voice of the Spirit of Truth,” ayon pa sa pari.

Naging katuwang ni Fr. Redoblado sina Fr. Robert Reyes, Fr. Bong Sarabia, SVD at Fr. Joel Saballa, isa sa nagsumite ng impeachment complaint laban kay VP Sara at anchor priest ng Radyo Veritas.

Kabilang din sa dumalo sa misa ang ilang mga mambabatas, madre at mga kinatawan ng iba’t-ibang relihiyon na sinundan din ng isang Ecumenical Prayer.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 115,378 total reads

 115,378 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 148,707 total reads

 148,707 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 180,851 total reads

 180,851 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 246,913 total reads

 246,913 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 258,776 total reads

 258,776 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top