Mga kongresista, nangangamba sa impeachment trial laban kay VP Duterte sa Senado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,689 total reads

Bagama’t nanaig sa Kamara ang suporta ng mga mambabatas sa impeachment complaint laban kay Sara Duterte sa botong 257 — higit sa kinakailangang one-third vote o 106 — nananatili pa rin umano ang agam-agam ng ilang mambabatas kaugnay ng magiging takbo ng paglilitis sa Senado.

Ayon kay Akbayan Partylist Perci Cendaña, umigting ang pangamba matapos ang biglaang pagbabago sa liderato ng Senado kasabay ng isinagawang botohan sa plenaryo ng Kamara hinggil sa impeachment ng Bise Presidente.

“Napakarami natin ngayong agam-agam bilang isang bansa, dahil habang kahapon (May 11) nagtagumpay ang konsensya at ebidensya. Kasi sabi ko nga, yung yesterday vote was about conscience and evidence, kasi nitong nakaraang weekend, grabe-napakatindi ng mga pressures sa members of the House of Representatives, mula sa black propaganda, fake news, hanggang sa outright na pananakot ng partido ni VP Sara Duterte sa mga boboto sa impeachment,” ayon kay Cendaña.

Giit pa ng mambabatas, naging matibay ang Articles of Impeachment dahil dumaan umano ito sa masusing proseso ng pagdinig at pagsusuri ng ebidensya.

“Siguro po, kaya ganun ang nangyari kahapon, kaya unimpeachable-ibig sabihin hindi maaring butasan iyong Articles of Impeachment at naging report ng Committee on Justice ay dahil nga ay ‘we went to the process,” dagdag niya.

Ayon kay Cendaña, bagama’t nanaig ang pagusulong ng impeachment ay hindi naman nakakatiyak ang publiko sa magigiging kahihinatnan ng kaso sa ilalim ng bagong pamunuan ng senado.

Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Cendaña na ang biglaang pagpasok ni Sen. Ronald Dela Rosa sa Senado matapos ang pagliban ng may anim na buwan ay layunin lamang na tiyakin na palitan ang noo’y si Senate President Vicente Sotto III.

“Nakakabagabag ang nangyari sa Senado, dahil alam naman po natin ‘yung dating senate president, then Senate President Tito Sotto III, sinabi niya sa na sa kaniya malinaw ang ibig sabihin ng ‘forthwith’. Ito yung dictionary definition na alam nating lahat ‘forthwith’ sa lalong madaling panahon ‘immediately,” aniya.

Matatandaang nailuklok bilang bagong Senate President si Sen. Alan Peter Cayetano sa botong 13, na kilalang kaalyado ng Bise Presidente.

Ayon pa kay Cendaña, posibleng nababahala ang kampo ni Duterte sa bigat ng mga ebidensyang maaaring iharap sa impeachment trial.

“Tingin ko kinabahan ang Bise Presidente dahil sa tindi ng ebidensya, at kapag nagsimula ang paglilitis ay mahihirapan silang pasubalian ang mga nakalap na dokumento at testimonya,” pahayag niya.

Binatikos din nito ang pamumulitika sa Senado na nagresulta sa pagpapalit ng liderato sa gitna ng usapin ng impeachment.

Nanawagan naman si Cendaña sa publiko na manatiling mapagbantay upang matiyak na mananaig ang katotohanan sa proseso ng impeachment.

“Napakalaking kasalanan ang pagbali sa katotohanan at ang pagdeny ng due course sa katotohanan dahil hindi lamang ito usapin ni VP Sara Duterte kundi usapin ito ng sambayanang Pilipino,” ani Cendaña.

Dagdag pa niya, maging ang ilang tagasuporta ng Bise Presidente ay nais ding marinig ang paliwanag nito sa paglilitis.

“The Vice President deserves her day in court, so does the Filipino people,” saad ng kongresista.

Una nang inihayag ng House Committee on Justice ang agarang pagpapadala sa Senado ng Articles of Impeachment matapos itong pagtibayin ng plenaryo ng Kamara noong Lunes ng gabi.

Naghahanda na rin ang Mababang Kapulungan sa pagbuo ng 11-member prosecution panel bilang paghahanda sa inaasahang pag-convene ng Senado bilang impeachment court.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 17,070 total reads

 17,070 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 54,073 total reads

 54,073 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 107,908 total reads

 107,908 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 170,782 total reads

 170,782 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 238,543 total reads

 238,543 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 43,494 total reads

 43,494 total reads Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey. Bibisitahin ng

Read More »
Scroll to Top