Tungkulin ng Senado na ituloy ang impeachment trial kay VP Duterte – Fr.Aquino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,501 total reads

Tungkulin ng Senado na ituloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte matapos maipadala ng Kamara ang Articles of Impeachment.

Ito ang binigyan diin ng constitutional expert na si Fr. Ranhilio Aquino at dating dean ng San Beda Graduate School of Law.

Paliwanag ng pari, malinaw na sinasaad sa Saligang Batas na kapag naipadala na sa Senado ang impeachment complaint na suportado ng hindi bababa sa one-third ng mga miyembro ng Kamara, wala nang ibang dapat gawin ang Senado kundi bumuo ng impeachment court at simulan ang paglilitis.

“Very clearly, the intendment of the Constitution is to mandate the Senate, once the articles of impeachment have been sent to it by at least one-third of the membership of the lower house, to proceed to trial,” ayon kay Fr. Ranhilio Aquino, na dalawang dekadang naglingkod bilang dean ng Graduate School of Law at San Beda University at may hawak na Doctor of Jurisprudence degree mula sa Columbia Pacific University.

Binigyan diin ni Fr. Aquino, nakasaad sa dalawang probisyon ng Section 3, Article XI ng 1987 Constitution na tumatalakay sa proseso ng impeachment, na ang impeachment at ang paglilitis sa Senado ay: una, itinuturing na mga “constitutionally ordained avenues” upang papanagutin ang Pangulo, Pangalawang Pangulo, at iba pang matataas na opisyal sa kanilang mga gawain; at ikalawa, ang naturang mandato ay hindi maaaring “derailed or ignored” ng mga mambabatas.

Matatandaang inaprubahan ng Kamara ang impeachment laban kay VP Duterte sa botong 257 pabor, 25 tutol, at siyam na abstention—mas mataas sa kinakailangang bilang upang umusad ang proseso.

Kabilang sa mga usaping nakasaad sa Articles of Impeachment ang unexplained wealth, maling paggamit ng confidential funds, mga discrepancy sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), at pagbabanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon pa kay Fr. Aquino, ang impeachment trial ay hindi karaniwang usaping pampulitika na maaaring ipagpaliban o balewalain ng Senado dahil ito ay nakasaad sa Konstitusyon bilang paraan upang papanagutin ang matataas na opisyal ng gobyerno.

Binigyang-diin din niya na hindi tungkulin ng Senado na pagtakpan ang anumang maling gawain, kundi tiyaking magkaroon ng patas na paglilitis—magpawalang-sala kung kulang ang ebidensya at magpataw ng hatol kung malinaw at matibay ang pagkakasala.

Pinaalalahanan din ni Fr. Aquino ang mga opisyal ng gobyerno na ang pampublikong posisyon ay isang tiwala ng mamamayan at kaakibat nito ang pananagutan, integridad, at tapat na paglilingkod.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 18,222 total reads

 18,222 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 55,176 total reads

 55,176 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 109,011 total reads

 109,011 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 171,817 total reads

 171,817 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 239,577 total reads

 239,577 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 43,573 total reads

 43,573 total reads Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey. Bibisitahin ng

Read More »
Scroll to Top