Serbisyo para kanino?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 278,129 total reads

Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III. 

Marami sa mga sumuporta sa pag-upo ni Senate President Cayetano ay kilalang kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte. Naging dahilan pa nga ito para lumabas si Senador Bato dela Rosa matapos ang anim na buwang pag-absent at pagtatago. Ang galing ng timing, hindi ba?

Nagbago ang liderato sa Senado sa gitna ng ikalawang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte. Upang ma-impeach siya, kailangan ng two-thirds vote sa Senado. Pero dahil sa bagong liderato at bagong mayorya, na binubuo ng mga loyal sa pamilya Duterte, pinangangambahang hindi uusad ang proseso ng impeachment, o kung umusad man, mas pipiliin nila ang kumampi sa maipluwensiyang pamilya na maghahatid sa kanila ng boto o magliligtas sa kanila sa ibinabato sa kanilang kaso.

Pero may iba pang implikasyon ang pagpapalit ng liderato sa Senado. Naaapektuhan din nito ang mga panukalang batas na pakikinabangan ng mga ordinaryong Pilipino. Posibleng mapalitan din kasi ang mga committee chairpersons. Ang bagong mayorya ang magkakaroon ng kapangyarihang magtakda kung aling mga reporma sa batas ang uusad at alin ang mababalam. Sila rin ang magpapasya kung anu-anong mga panukalang batas ang bibigyang-prayoridad. 

Maraming komite ang nasa alanganin. May ilang senador na maaaring manatili sa kanilang mga komite, habang ang iba ay maaaring mawalan ng pwesto. Sa ngayon, si Senador dela Rosa pa lamang ang may bagong committee chairmanship—ang Committee on Public Order and Dangerous Drugs. Ang iba pang committee assignments ay iaanunsyo simula ngayong araw.

Ayon kay Senate President Cayetano, habang inaayos pa ang reorganisasyon sa Senado, maaaring magpatuloy muna sa trabaho ang mga naalis na chairpersons, katulad ng pagsasagawa ng hearings at pagsusumite ng committee reports. Pero kapag nakapili na ng bagong majority leader, siya na ang magpapasya kung aling mga panukala ang uusad at alin ang mananatiling nakabinbin.

Kabilang sa mga naapektuhan ng reshuffling ang committees on women, health, at electoral reforms na pinamumunuan ni Senadora Risa Hontiveros. Sa mga komiteng ito tinatalakay ang ilang mahahalagang panukalang batas katulad ng Anti-Hospital Detention Bill, Anti-Political Dynasty Bill, at iba pang health at electoral reforms. 

Apektado rin ang Committee on Agriculture ni Senador Kiko Pangilinan. Nitong nakaraang linggo, ilang magsasaka mula Benguet ang bumiyahe pa-Maynila para sana dumalo sa hearing ng Senate agriculture committee. Nag-adjust sila ng kanilang iskedyul at naghanap ng magbabantay sa kanilang bukid at mga anak para makadalo sa hearing. Pero kinailangang i-cancel ang hearing matapos ang biglaang pagbabago sa liderato ng Senado. Hindi lang iyon simpleng kanseladong meeting; nasayang ang kanilang pera at oras, at nawalan ng pagkakataong iparating sa mga mambabatas ang kanilang mga hinaing.

Ayon kay Pope Francis, kapag ang pulitika ay hindi na nakikita bilang paglilingkod sa lipunan, maaari itong maging instrumento ng pang-aapi at pagsasantabi sa kapakanan ng iba. At ito mismo ang panganib kapag mas inuuna ang alyansa at kapangyarihan kaysa sa serbisyo publiko. Sa gitna ng lahat ng political maneuvering na ito sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso, ang ordinaryong Pilipino na naman ang naiiwan sa huli.

Mga Kapanalig, sa kabila ng lahat ng ito, paalala sa atin ng Galacia 6:9: “…huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko.” Maaaring magulo ang sitwasyon ngayon, ngunit hangga’t may mga taong naninindigan para sa bayan, may dahilan pa ring umasa. Nawa’y maalala ng ating mga pinuno na ang kanilang sinumpaang paglingkuran ay hindi ang isang tao o pamilya, kundi ang sambayanang Pilipino.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 26,685 total reads

 26,685 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 63,752 total reads

 63,752 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 81,963 total reads

 81,963 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 166,291 total reads

 166,291 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 202,437 total reads

 202,437 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bayan, hindi bayad

 26,686 total reads

 26,686 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 63,753 total reads

 63,753 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 81,964 total reads

 81,964 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 166,292 total reads

 166,292 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »
Scroll to Top