Paglikha ng Inter-Dicasterial Commission on Artificial Intelligence, inaprubahan ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,720 total reads

Inaprubahan ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ang paglikha ng Inter-Dicasterial Commission on Artificial Intelligence upang tugunan ang mga usaping kaugnay ng mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence o AI.
Layunin ng bagong komisyon na pag-aralan ang epekto ng AI sa tao at lipunan habang pinangangalagaan ang dignidad at integral na pag-unlad ng bawat indibidwal.

Ayon sa Holy See, pansamantalang pangungunahan ng Dicastery for Promoting Integral Human Development ang koordinasyon ng grupo sa unang taon ng operasyon nito.

Isinapubliko ni Cardinal Michael Czerny, Prefect of the Dicastery for Promoting Integral Human Development ang naturang hakbang at ibinahagi ang pagmamalasakit ng Simbahan para sa dignidad ng bawat tao dahil sa mga potensyal na epekto ng pag-unlad ng artificial intelligence o AI sa mga tao at kabuuan ng sangkatauhan.

Magsisilbing mandato at responsibilidad ng institusyon na mapadali ang kolaborasyon at ugnayan sa pagpapalitan ng impormasyon sa mga miyembro ng grupo tungkol sa mga aktibidad, gawain at proyekto na may kaugnayan sa Artificial Intelligence, kabilang ang mga patakaran sa paggamit nito sa loob ng Holy See, habang itinataguyod ang diyalogo, komunyon, at pakikilahok.

“It is the responsibility of the coordinating institution to facilitate collaboration and the exchange of information among group members regarding activities and projects related to Artificial Intelligence, including policies on its use within the Holy See, while promoting dialogue, communion, and participation.” Dagdag pa ni Cardinal Czerny.

Binubuo ang komisyon ng mga kinatawan mula sa pitong tanggapan ng Vatican kabilang ang Dicastery for Promoting Integral Human Development, Dicastery for the Doctrine of the Faith, Dicastery for Culture and Education, Dicastery for Communication, Pontifical Academy for Life, Pontifical Academy of Sciences, at Pontifical Academy of Social Sciences.

Matatandaang madalas ding binibigyang-diin ni Pope Leo XIV ang pangangailangang gamitin ang makabagong teknolohiya nang may pananagutan at paggalang sa dignidad ng tao lalo na sa harap ng mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence sa kasalukuyang modernong panahon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 87,942 total reads

 87,942 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 121,641 total reads

 121,641 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 156,940 total reads

 156,940 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 383,210 total reads

 383,210 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 271,998 total reads

 271,998 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top