ACN Philippines, nagpapasalamat sa Archdiocese of Tuguegarao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,094 total reads

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Aid to the Church in Need (ACN) Philippines sa St. Peter Metropolitan Cathedral ng Archdiocese of Tuguegarao sa pangunguna ni Fr. Frank Manibog para sa mainit na pagtanggap sa “Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi.”

Ayon sa ACN-Philippines, malaking inspirasyon ang ipinakitang pagkakaisa, suporta, at malasakit ng pamayanan sa adhikain ng caravan na isulong ang kapayapaan, pagkakaisa, at pakikiisa para sa muling pagbangon ng Prelatura ng Marawi.

“Our heartfelt gratitude to the St. Peter Metropolitan Cathedral of the Archdiocese of Tuguegarao, headed by Fr. Frank Manibog, for warmly accommodating our Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi. Your kindness, support, and hospitality truly inspire unity, peace, and solidarity among communities. Thank you for being part of this meaningful journey.” Bahagi ng pahayag ng ACN-Philippines.

Lubos ding pinasalamatan ng ACN-Philippines ang University of Saint Louis Tuguegarao sa ipinagkaloob nitong donasyon para sa muling pagtatayo ng Pro-Cathedral ng Marawi bilang simbolo ng pag-asa, pagkakaisa, at patuloy na paghihilom ng sugatang pamayanan matapos ang Marawi Siege noong 2017.

Binigyang-diin ng ACN Philippines na ang bawat suporta at pakikiisa mula sa Arkidiyosesis ng Tuguegarao ay hindi lamang simpleng tulong pinansyal kundi isang patunay ng pananampalataya, malasakit, at pakikipagkapwa para sa mga mamamayan ng Prelatura ng Marawi.

“We are also deeply thankful for your generous donation in support of the rebuilding of the Pro-Cathedral of Marawi. Your kindness and unwavering missionary zeal as members of the Congregation of the Immaculate Heart of Mary continue to inspire hope, unity, and healing among the people of Marawi. Your support is more than a contribution — it is a testament to solidarity, faith, and compassion. Through your generosity, we are reminded that rebuilding a community also means rebuilding hope and strengthening the spirit of peace.” Dagdag pa ng ACN-Philippines.

Partikular din nagpasalamat ang sangay ng Pontifical Foundation ng Vatican sa Pilipinas sa University of Saint Louis Tuguegarao sa pangunguna nina University President Rev. Fr. Macwayne Maniwang, CICM, Ph.D., at University Chaplain Rev. Fr. JM Barroga, CICM, kasama ang iba pang kawani ng unibersidad at ng Arkidiyosesis ng Tuguegarao, para sa kanilang mainit na pagtanggap at suporta sa misyon ng ACN Philippines.

Tampok din sa caravan na mag-iikot sa 14 na arkidiyosesis sa buong bansa ang restored image ng Our Lady Mary Help of Christians ng Marawi, na nasira noong Marawi Siege.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 23,870 total reads

 23,870 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 61,166 total reads

 61,166 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 79,377 total reads

 79,377 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 163,705 total reads

 163,705 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 199,966 total reads

 199,966 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,579 total reads

 37,579 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top