CBCP, naglabas ng pastoral statement on Peace

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,343 total reads

Naglabas ng pastoral statement ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) bilang panawagan para sa kapayapaan sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan at tensyon sa Middle East at iba pang bahagi ng mundo.

May titulo ang naturang pastoral statement na “Pastoral Statement on Peace in a Wounded World” na nilagdaan ni CBCP President, Lipa Archbishop Gilbert Garcera.
Inaprubahan ang pahayag sa naganap na pagpupulong ng CBCP Permanent Council noong Mayo 20, 2026 kung saan binigyang-diin ng kalipunan ng mga Obispo ang kahalagahan ng pananalangin, pagkakaisa, at pagsusulong ng diyalogo sa halip na karahasan at digmaan.

Bahagi ng pahayag ang pagpapaalala sa bawat mamamayan na ang kapayapaan ay hindi lamang damdamin kundi isang misyon para sa bawat Kristiyano na maging instrumento ng pagkakasundo at pagmamahalan.

“As violence escalates and tensions deepen, we once again hear the Risen Lord’s words to His disciples: “Peace I leave with you; my peace I give to you” (Jn 14:27). These words of Christ are not mere sentiments. They are a command, a gift, and a mission. In a wounded by hatred, fear, vengeance, and greed, followers of Christ are called to be instruments and channels of peace.” Bahagi ng pahayag ng CBCP.

Binigyang-diin din ng mga Obispo ang matinding epekto ng digmaan sa mga inosenteng mamamayan kabilang ang mga bata, pamilya, matatanda, at mga komunidad na napipilitang lumikas at mawalan ng tahanan dahil sa kaguluhan.

“Violence breeds only more violence. War leaves wounds that endure for generations,” Ayon pa sa pastoral statement ng CBCP.

Nagpahayag rin ng pagkabahala ang CBCP sa epekto ng kaguluhan sa mga Pilipino lalo na sa mga Overseas Filipino Workers sa Middle East at kanilang mga pamilya na nangangamba para sa kaligtasan at kabuhayan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon sa CBCP, ramdam din sa bansa ang epekto ng krisis sa pamamagitan ng pagtaas ng presyo ng langis, pagkain, at transportasyon na higit na nagpapabigat sa kalagayan ng mahihirap at bulnerableng sektor ng lipunan.

Hinimok din ng mga Obispo ang mamamayan na maging mapanuri laban sa misinformation, propaganda, at pagkakahati-hati sa lipunan.

“We urge the faithful to resist simplistic narratives, misinformation, hatred, prejudice, an ideological partisanship. The Christian conscience must be formed not by propaganda or social media anger but by the Gospel of Jesus Christ. As Christians, we do not celebrate war. We do not glorify revenge. We do not demonize entire peoples or religions. Instead, we are called to truth, compassion, justice, and the patient work of reconciliation.” Dagdag pa ng CBCP.

Nanawagan din ang mga Obispo sa mga pinuno ng iba’t ibang bansa na pairalin ang diplomasya at diyalogo kaysa paggamit ng dahas at kapangyarihan para sa pansariling interes.

“True greatness is measured not by the capacity to destroy, but by the wisdom to seek peace, protect human life, and uphold the dignity of nations and peoples,” Ayon pa sa CBCP.

Hinimok din ng CBCP ang mga diyosesis, parokya, paaralan, religious communities, at lay organizations na magsagawa ng mga gawain partikular na ang pananalangin para sa kapayapaan, pagtulong sa mga OFW at kanilang pamilya, at pagtataguyod ng pagkakaisa at pakikipag-usap sa iba’t ibang pananampalataya at kultura.

“Let every parish become a sanctuary of prayer and reconciliation. Let every family become a cradle of peace, compassion, and hope,” Panawagan ng CBCP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 32,641 total reads

 32,641 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 130,624 total reads

 130,624 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 174,893 total reads

 174,893 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 198,002 total reads

 198,002 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 271,601 total reads

 271,601 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top