Pagpapatupad ng programa laban sa climate change, panawagan ng CCC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,440 total reads

Nanawagan ang Climate Change Commission (CCC) para sa mas pinaigting na pagpapatupad ng mga programa laban sa climate change at mas konkretong resulta mula sa kooperasyon ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) at European Union (EU) sa usapin ng sustainability at resilience.

Sa ginanap na ASEAN–EU Sustainability Summit 2026 sa Cebu, sinabi ni CCC Vice Chairperson at Executive Director Robert E.A. Borje, na mahalagang matukoy ang mga kakulangan sa pagpapatupad ng mga climate policy upang matiyak na nararamdaman ng mga komunidad ang tunay na epekto ng mga programa.

“Now is a time for us to take a few steps back and to look at what the gaps and challenges are. Because truthfully, the challenge for us is really delivering on the ground and implementation,” ayon kay Borje.

Tinukoy ng CCC ang tatlong pangunahing hamon sa pagpapatupad ng climate action sa ASEAN kabilang ang kakulangan sa koordinasyon ng mga ahensya, limitadong kapasidad sa implementasyon sa lokal na antas, at kahandaan sa pagpapatupad ng mga proyektong para sa katatagan ng komunidad.

Dagdag pa ng komisyon, mahalaga rin ang mas pinaigting na science-based at data-driven policymaking lalo na sa gitna ng tumitinding epekto ng climate change at patuloy na krisis sa enerhiya sa rehiyon.

Binigyang-diin din ni Borje ang kahalagahan ng whole-of-society approach at pakikipagtulungan sa pribadong sektor upang mapalawak ang pondo, teknolohiya, at mga bagong pamamaraan para sa climate resilience at green growth.

“Climate resilience cuts across sectors, ministries, and levels of government, and our delivery systems are still catching up to that reality… Government should see the private sector as a key partner,” saad ni Borje.

Binanggit din ng CCC ang kahalagahan ng ASEAN–EU cooperation sa pagsusulong ng innovation, climate governance, risk-informed planning, at paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng satellite at Earth observation systems para sa mas epektibong pagtugon sa pagbabago ng klima.

Iginiit naman ng CCC na patuloy na isinusulong ng Pilipinas bilang ASEAN Chair sa 2026 ang mas matatag na regional cooperation upang matiyak na ang mga polisiya sa klima ay magdudulot ng konkreto at nasusukat na benepisyo para sa mga komunidad na madaling maapektuhan ng panganib.

Umaayon din ito sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa mas matibay na pangangalaga sa kalikasan, alinsunod sa diwa ng Laudato Si’ na nagsusulong ng pananagutan ng tao sa kalikasan at ng pangangalaga sa kapakanan ng mga mahihirap at mga komunidad na lantad sa iba’t ibang sakuna at kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 31,550 total reads

 31,550 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 129,566 total reads

 129,566 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 173,835 total reads

 173,835 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 196,944 total reads

 196,944 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 270,580 total reads

 270,580 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 145,072 total reads

 145,072 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top