Bishop Santos,nag-alay ng special prayer for cancer patients

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,488 total reads

Nag-alay ng natatanging panalangin si Antipolo Bishop Ruperto Santos para sa mga cancer patient sa pagbisita ng mga pari ng Diocese of Antipolo sa dambana ng Sanctuary of Our Lady of Lourdes sa France.

Sa kaniyang panalangin, hiniling ni Bishop Santos sa Diyos ang kagalingan, lakas, at pag-asa para sa mga nakikipaglaban sa cancer, lalo na sa mga dumaranas ng takot, pagod, at pangamba dulot ng kanilang karamdaman.

“Lord Jesus, Divine Healer, embrace those who suffer from pain, exhaustion, and anxiety. Touch their bodies with Your healing hand, calm their troubled hearts, and renew their spirit with hope,” bahagi ng panalangin ng obispo.

Ipinanalangin din ni Bishop Santos ang mga pamilya, caregiver, doktor, nars, at lahat ng nangangalaga sa mga may sakit upang patuloy silang maging kasangkapan ng malasakit at pagmamahal ng Panginoon.

Binigyang-diin pa ng obispo na sa gitna ng paghihirap at pagsubok ay nananatiling buhay ang pag-asa at pananampalataya ng tao sa Diyos.

“We entrust all cancer patients to the maternal care of Our Lady of Peace and Good Voyage, that she may wrap them in comfort and bring them closer to Your Son, Jesus,” ayon pa sa panalangin.

Sa datos ng Philippine Cancer Society, umaabot sa 150,000 ang nagkakaroon ng cancer sa Pilipinas kada taon, kung saan karaniwan ang breast at cervical cancer.

Itinuturing naman ang cancer bilang pangalawa sa nangungunang cause of death ng mga Pilipino, partikular ang lung at liver cancer na naitatala sa 21,000 at 11,700 kada taon.

Ang pagbisita ng mga pari ng Diocese of Antipolo sa Lourdes, France ay bahagi ng kanilang pilgrimage at espirituwal na paglalakbay sa isa sa mga kilalang dambana ng kagalingan at debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Ito ay bahagi rin ng pagdiriwang ng diyosesis sa ikaapat na sentenaryo ng pagdating ng imahe ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje o Birhen ng Antipolo sa Pilipinas mula sa Mexico, gayundin ang ika-100 anibersaryo ng canonical coronation ng Mahal na Birhen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 29,517 total reads

 29,517 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 127,708 total reads

 127,708 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 171,977 total reads

 171,977 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 195,086 total reads

 195,086 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 268,778 total reads

 268,778 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top