Paglikha ng Sierra Madre Conservation and Development Authority, isinulong sa Kamara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,339 total reads

Nagsagawa ng aerial inspection ang mga miyembro ng Kamara sa Northern Sierra Madre Natural Park sa Isabela bilang bahagi ng mas pinalakas na panawagan para sa pangangalaga ng Sierra Madre mountain range.

Ito ay sa pangunguna ni Speaker Faustino Dy III kasama ang ilang mambabatas at technical stakeholders, kung saan nilibot sa himpapawid ang ilang bahagi ng kagubatan, watershed, at mga komunidad na nasa panganib ng ilegal na pagtotroso at pinsala ng kalikasan.

Kasabay nito ang pagsusulong ng House Bill 3538 na layong lumikha ng Sierra Madre Conservation and Development Authority o SMCDA, na siyang mamamahala sa pangmatagalang proteksyon at pag-unlad ng kabundukan.

“The Sierra Madre is not just a mountain range. It is our natural defense against calamities, our source of biodiversity, and a lifeline for millions of Filipinos,” ayon kay Dy.

Saklaw nito ang mahigit 540 kilometro at bumabagtas sa 10 lalawigan-kabilang ang Cagayan, Isabela, Aurora, Nueva Vizcaya, Quirino, Nueva Ecija, Rizal, Bulacan, Laguna at Quezon, na nangangalaga sa milyun-milyong Pilipino sa Luzon.

Sa paliwanag ng mga mambabatas, ilang malalakas na bagyo tulad ng Lawin, Ompong, at Ulysses ay humina nang dumaan sa Sierra Madre, na nagpapakita ng mahalagang gampanin sa pangangalaga laban sa kalamidad.

Ngunit babala ng Kamara, patuloy ang banta ng ilegal na pagtotroso, kaingin, at pagkasira ng kagubatan na maaaring magpalala ng pagbaha at landslide sa mga susunod na taon.

Sa ilalim ng panukala, ang SMCDA ang mamamahala sa komprehensibong plano para sa pangangalaga ng kagubatan, watershed, biodiversity, at sustainable development sa buong Sierra Madre.

Layunin din nitong pag-ugnayin ang mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan.

Kasama rin sa mandato ang pagpigil sa mga proyekto na makakasira sa kalikasan, habang isinusulong ang eco-tourism at mga sustainable na kabuhayan.

Ayon kay Speaker Dy, hindi lamang ito usapin ng kalikasan kundi ng seguridad at kaligtasan ng mamamayan, lalo na sa harap ng lumalakas na mga bagyo at climate change.

Bukod kay Dy, kabilang din sa mga kasama sa inspeksyon sina Batangas Rep. King Collantes, Antipolo City Rep. Philip Conrad Acop, Abang Lingkod Party-list Rep. Manuel Ko, at KAMANGGAGAWA Party-List Rep. Elijah R. San Fernando.

Ang Northern Sierra Madre Natural Park sa Isabela ay itinuturing na isa sa pinakamayamang protected area sa Pilipinas pagdating sa biodiversity. Bahagi ito ng nalalabing old-growth forest sa bansa at tahanan ng maraming natatanging uri ng halaman at hayop, kabilang ang mga endemic at endangered species.
.(marian)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 27,758 total reads

 27,758 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 126,049 total reads

 126,049 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 170,318 total reads

 170,318 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 193,427 total reads

 193,427 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 267,186 total reads

 267,186 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top