Mananampalataya, hinimok na palalimin ang debosyon kay Sta. Rita de Cascia, patron saint of the impossible

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,123 total reads

Hinimok ni Father Aris Sison – Kura Paroko ng St. Rita De Cascia Parish ang mga mananampalataya palalimin ang pagdedebosyon at humingi ng pamamagitan kay Santa Rita De Cascia sa gitna ng iba’t ibang pagsubok at krisis na kinakaharap ng Pilipinas at ng mundo.

Ito ay upang maipanalangin sa Panginoon ang paghahari ng kapayapaan at mapagtagumpayan ang mga imposible sa pamamagitan ng Santo na patrona ng mga imposibleng dahilan at makapangyarihang tagapamagitan para sa mga mananampalataya.
Binigyang diin ng pari ang kahalagahan ng pananalig at sama-samang panalangin lalo na sa panahon ng pangamba, suliranin at iba’t ibang hamon sa lipunan.

“Santa Rita de Cascia is a powerful intercessor for all of us. She is known as the saint of impossible causes. So let us pray to her, especially during these difficult times in our country. Let us pray for the intercession of Santa Rita de Cascia, that she may help us, that she may intercede for us, that we may find a way out of all the crises and difficulties that we are facing these days.””

Umaasa rin si Fr. Sison na sa pamamagitan ng pananalangin kay Santa Rita ay matagpuan ng sambayanan ang pag-asa, katatagan at paraan upang malampasan ang mga krisis at paghihirap na nararanasan sa kasalukuyan.

Si Santa Rita ng Cascia na ‘Patron Saint of the Impossible’ ay isang Augustinian saint na isinilang noong 1371 sa Roccaporena, Umbria, Italy mula sa isang pamilyang magsasaka, lumaki siya sa ilalim ng gabay ng mga Augustinian friar kung saan natutunan niya ang malalim na debosyon sa panalangin at sa mga banal gaya nina St.Augustine at St. Nicholas of Tolentino. Sa murang edad, siya ay ipinagkasal kay Paolo di Ferdinando di Mancino at nagkaroon ng dalawang anak, ngunit ang kanilang buhay pamilya ay nabalot ng karahasan at hidwaan sa pulitika, na nauwi sa pagpaslang sa kanyang asawa.

Sa kabila ng trahedya, pinili ni Santa Rita ang pagpapatawad at panalangin sa halip na paghihiganti, at kalaunan ay nawala rin ang kanyang mga anak dahil sa sakit. Sa edad na 36, pumasok siya sa Augustinian monastery sa Cascia matapos ang matinding pagsubok at pagtanggi, at dito siya namuhay ng buhay ng panalangin, penitensya, at paglilingkod sa mahihirap at maysakit. Kilala rin siya bilang “Saint of the Roses” dahil sa himalang rosas na lumitaw noong taglamig bago siya pumanaw noong Mayo 22, 1447. Sa tradisyong Katoliko, si Santa Rita ay sagisag ng pag-asa, kapatawaran, at katatagan ng pananampalataya sa gitna ng matinding paghihirap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 225,957 total reads

 225,957 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 257,688 total reads

 257,688 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 359,512 total reads

 359,512 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 400,074 total reads

 400,074 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 411,590 total reads

 411,590 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 22,703 total reads

 22,703 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top